Walang Mga Pagkakamali – Isang Tula Tungkol sa Diyos

walang mga pagkakamali – Ang ating Panginoon ay nagbibigay ng mga pagsubok sa atin upang tayo ay may matutunan. Sa tulang “Walang mga Pagkakamali,” isinasaysay ang balanse ng problema at solusyon sa ating mga suliranin. Siguradong kapupulutan ito ng aral ng ating mga mambabasa.

Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan.

Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Walang Pagkakamali - Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]
Walang mga Pagkakamali – Isang tula tungkol sa Diyos

Sana maging inspirasyon natin itong tula tungkol sa Diyos para pagtibayin ang ating pananampalataya at paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng sumulat ng tula tungkol sa Diyos.

Walang mga Pagkakamali

Kapag nawalan na ng pag-asa ang aking pag-asa
At ang aking mga pangarap ay namatay.
At wala akong nakitang sagot
Sa pamamagitan ng pagtatanong kung bakit.
Patuloy lang ako sa pagtitiwala
At kumapit ka sa aking pananampalataya.
Sapagkat ang Diyos ay makatarungan
Hindi siya kailanman nagkakamali…

Tula tungkol sa Diyos na isinulat ni Lenora McWhorter

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Walang mga Pagkakamali

Sa tulang “Walang Pagkakamali,” sinasabi na ang Diyos ay hindi nagkakamali. Sa ating pamumuhay, minsan nawawala ang ating pag-asa ngunit ang may akda ay patuloy lamang na nagtitiwala sa Panginoon. Sinasabi rin sa tula na ang mga pagsubok ay dapat dumating at hanapan ng solusyon.

Kapag nahihirapan ay nagpapahinga ang may akda sa biyaya ng Panginoon. At kapag hindi patas ang buhay ay tumitingin siya sa Ama na hindi nagkakamali at naniniwala na lahat tinitimbang Niya.

Aral ng Tula

Ang aral ng tulang ito ay manalig sa Panginoon at manalig sa Kanya na hindi tayo pababayaan sa araw-araw. Ang tulang ito ay nagpapaalala rin sa atin na ang ating mga pagsubok ay nandiyan upang tayo ay may matutunan.

Summary

Ang tula na pinamagatang “Walang Mga Pagkakamali” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment