URI NG TULA – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang mga ibat ibang apat na uri ng tula sa Tagalog at mga halimbawa nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tula na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.
Ano Ang Kahulugan ng Tula?
Ang Tula o “poem” sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikan nag nagpapahayag ng ideya o kaisipan ng manunulat gamit ang matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod.
Layunin ng bawat tula na maipahayag ang damdamin ng indibidwal sa paraan ng masining na pagsulat. Isa itong paraan upang maibahagi ang nais iparating, kaisipan at mga imahinasyon nga mga manunulat sa mga tagabasa.

Ano Ang Mga Iba’t Ibang Uri ng Tula
Ngayon na natalakay na natin ang kahulugan at elemento ng tula, narito ang mga iba’t ibang uri ng apat na tula.
- Tulang Damdamin o Tulang Liriko – Ang uri ng tula na ito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Nakabatay sa perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o iniisip ng makata ang paraan sa pagsulat nito. Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:
- Awit – Ito naman tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.Binubuo ito ng labindalawang (12) pantig. Katumbas nito ang mga kanta sa panahon ngayon na mayroong liriko at iisa ang tugma ng bawat taludtod.
- Soneto – Isa itong mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Tumatalakay ito sa kaisipan at diwa ng makata.
- Oda – Isa naman itong tula na nakatuon sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento.
- Elehiya – Isang uri ng tulang malungkot at pagdadalamhating babasahin. Kamatayan o pagluluksa ang karaniwang tema nito.
- Dalit – Ang uri ng tulang ito naman ay tumutukoy sa tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwan itong ginagamit sa pagpapakita ng pagsamba sa diyos o pinaniniwalaang panginoon. Palagi itong nasa isang saknong lang.
- Tulang Pasalaysay – Ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. Ang tulang ito walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig. Ang dalawang uri nito ay ang sumusunod:
- Epiko – Isa itong akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway. Kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ito ay kadalasang inaawit pero meron namang mga epikong binabasa.Ang epiko ay mahalagang bahagi ng isang bansa, pangkat etniko, o lipunan.
- Awit/Korido at Kantahin – Ito naman ay may walong sukat o kaya naman ay hindi din sinusunod minsan. Tumutukoy ito sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan na karaniwang ginagawa ng mga bansa sa Europa.
- Tulang Patnigan – Ang uri ng tula na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Tinuturing itong tula na nasa anyong debate o pagtatalo, ngunit ang kaibahan nito sa sebate ay mayroon itong tugma, ritmo at taludtod. Kabilang dito ang sumusunod:
- Balagtasan – Ang uri ng tula na ito ay ipinangalan kay Franciso ‘Balagtas’ Baltazar. Tumutukoy ito sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa na pinapagitnaan ng isang lakandula o lakambini.
- Karagatan – Isa itong uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang tanghalan at nagmumula sa isang alamat ang paksa ng tula.
- Duplo – Ito ay isang paligsahan naman pangangatwiran sa anyong patula. Hango sa Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
- Fliptop o Battle Rap – Isa itong modernong uri ng Balagtasan na kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig tungkol sa isang paksa. Binibigkas ito ng mabilis na kailangang may tugma.
- Tulang Pantanghalan o Padula – Ito ay uri ng tula na tumutukoy sa mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Binibigkas ito ng patula sa saliw ng tunog o musika upang mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood.
Ang tula ay binubuo ng apat (4) na pangunahing uri. Ito ang tulang damdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang patnigan at tulang pantanghalan o padula.
Halimbawa Ng Tula
1. Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Kahirapan
Sigaw Ng Mamamayan
Bawat oras na sumasapit
Patuloy paring pinipilit
Araw-araw na pamamaliit
Ano ba ang dapat ipalit?Inay, itay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Sigaw ng Mamamayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Batay sa kahulugan at apat na uri ng tula, narito ang isang halimbawa ng tula na pinamagatang Sigaw Ng Mamamayan ni misswithglasses.
2. Example ng Tula Tungkol Sa Diyos
Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin
I.
Ang Diyos ay pag-ibig na alay
Na sa mga tao ay binigay
Ang pag-ibig ay ‘di mawawala
Kahit ang tao’y mamatay pa.II.
Ang pagmamahal ng Diyos sa atin…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Batay sa kahulugan at apat na uri ng tula, narito ang isang halimbawa ng ng tula na pinamagatang Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin.
3. Example ng Tula Tungkol Sa Edukasyon
Pamana
I.
Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya
Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina
“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,
Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.II.
Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pamana” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Batay sa kahulugan at uri ng tula, narito ang isang halimbawa ng tula na pinamagatang Pamana.
4. Example ng Tula Tungkol Sa Droga
Droga ay Iwasan Para sa Matatag na Kinabukasan
Droga ay Iwasan Para sa Matatag na Kinabukasan
Drogang sa atin ay nakapipinsala
Mga pasakit at hirap ang siyang dala
Walang hatid na rikit sa ating kapwa
Ano ngang buti kung susumpain kita.
Aking kapwa’y aking binababalaan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Droga ay iwasan para sa matatag na kinabukasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Batay sa kahulugan at ibat ibang uri ng tula, narito ang isang halimbawa ng tula na pinamagatang “Droga ay iwasan para sa matatag na kinabukasan” ni pleasing_grace.
5. Example ng Tula Tungkol Sa Wika
Ang Wikang Filipino
Ang wikang Filipino ay katangi-tangi
Hindi mapagkakaila ni maitatanggi
Wikang nagbubuklod at nag-iisa
Sa ating lahi, kapuso’t, kapamilya
Nawa’y pahalagahan, at bigya’ng kabuluhan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Wikang Filipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Batay sa kahulugan at ibat ibang uri ng tula, narito ang isang halimbawa ng tula na pinamagatang “Ang Wikang Filipino” ni Grasya.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Tula Tungkol Sa Eleksyon
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino
- Tula Tungkol Sa Pangarap
- Talumpati Tungkol sa Wika
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga ibat ibang uri ng tula at kahulugan nito. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyo.
We are Proud Pinoy.