Tula Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos – Sa ating buhay, walang sinong taong dapat pasalamatan kundi ang ating Diyos. Sa tulang “Tula Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos”, pinapaalahanan tayo na laging magpasalamat sa mga biyaya na natatanggap natin mula sa ating Diyos. Ang tulang ito ay siguradong makakapagbigay aral sa inyo!
Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan. Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa Diyos ay maging inspirasyon natin para pagtibayin ang ating pananampalataya, paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa Diyos.
Tula Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos – Buod At Aral [2022]
At heto ang tulang pinamagatang ” Tula Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos”.
Tingin sa taas at magpasalamat sa biyaya,
sa mga bagay na ipinakakaloob Niya.
Sa bawat araw na ibinibigay upang lumigaya,
sa pagkakataong bumangon sa bawat umaga.Tingin sa taas at masdan gandang walang kapantay,
sa mundong ginagalawan, mundong nagbibigay-buhay.
Sa yaman ng kalikasang kaniyang ibinibigay,
upang magkaroon ang buhay ng kakaibang kulay.Tingin sa taas at pasalamatan ang mga nilalang,
mga taong itinatangi, minamahal mong tunay.
Marami man o kakaunti ang kanilang bilang,
biyaya ang kanilang pagkalingang walang kapantay.Tingin sa taas, wala kang katulad, o Diyos,
Tula tungkol sa Diyos ni Randy So
sa mga ibinibigay mong ramdam ko’y lubos.
Mula sa maliliit at malalaking regalo na mula sa ‘yo
isang malaking pasasalamat ang laging handog ko.
Buod ng Tula Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos
Ang tulang ito ay isang maikling tula tungkol sa pasasalamat sa ating Diyos. Sa tula, pinapaalalahanan tayo na laging tumingin sa taas at pasalamatan, pahalagahan ang Kanyang mga biyaya na binigay sa atin. Pinapaalalahanan din tayo ng tula na laging magpasalamat sa Kanya sa walang sawang pagbigay ng biyaya.
Aral ng Tula Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos
Ang aral ng tulang ito ay laging pasalamatan ang Diyos sa kanyang ibinigay na biyaya kahit anuman ang laki nito.
Summary
Ang tula na pinamagatang Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.
Inquiry
Maraming salamat sa pagbasa ng Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino 2021 | 10+ Halimbawa Ng Tula sa Wika
- Tula Tungkol Sa Pangarap 2021 – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
- Tula Tungkol Sa Kalikasan – 25 Maikling Tula Tungkol Sa Pangangalaga At Pagmamahal Sa Kalikasan 2021
- Tula Tungkol Sa Pamilya – 10 Maikling Tula Tungkol Sa Pamilya 2021
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
- Tula Tungkol Sa Pandemya – 10 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Panahon Ng Pandemya (Covid 19) 2021
- 30 Tula Tungkol Sa Guro (Pasasalamat Sa Mga Guro Ngayong Pandemya) 2021
- Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig) 2021
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021 – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021