TULA TUNGKOL SA PANGARAP – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pangarap sa buhay ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat ng mga ito.
Ang mga halimbawa ng tula sa pangarap ay magbibigay ng inspirasyon upang maabot ang mga pangarap sa buhay. Ito ay isa sa napakaraming bagay na magbibigay sa atin ng motibasyon para magpatuloy sa buhay.
Sana ang mga halimbawa ng tula sa pangarap ay magbigay sa inyo ng galak at inspirasyon. Nawa tayo rin ay huwag lang basta-bastang mangarap samahan din ito ng sipag at tiyaga para makamit ang lahat ng mithiin sa buhay.
Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
Time needed: 5 minutes.
Narito ang mga Halimbawa ng Tula Tungkol sa Pangarap.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ang bawat isang tula. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula sa pangarap.
1. Ang Pangarap Mong Tangan
Pangarap mong tangan tangan,
Isa-puso’t huwag kalimutan;
Tulang ito’y maging kalakasan,
Diyos nawa’y ikaw’y gabayan.Ano nga ba ang halaga ng inaasam mong tala?
Kung natapakan mo naman ang nagturo, ang naggiya.Sa rurok ng tagumpay,
Parang walang papantay;
Tila walang kamalay-malay,..
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Pangarap Kong Tangan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Ang Pangarap Mong Tangan” ni Francis Morilao ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
2. Isang Milyang Pangarap
Nag-ugat at sumibol dito sa aking isip
ang isang kumikinang na ginintuang panaginip
bagaman ang aking mga mata’y hindi naman nakapikit
kung kaya aking natatanaw ang kaylawak na langit.
At naroon sa itaas ang bituing maririkit
na parang pangarap at gunitang hindi mawawaglit.
Ang puso ko’y tumimo’t ang bibig ko’y may naisambit,
“Ang ngayon nga ay mawawala at bukas ang papalit.”Gusto ko ngang makapagpatayo ng sariling bahay.
Nais kong makaahon sa napakahirap kong buhay.
Sana’y sa halip na bato’y ginto ang aking mahukay
at sana ri’y aking maani ang bunga ng tagumpay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Milyang Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Isang Milyang Pangarap” ni Marvin Ric Mendoza ay isang halimbawa ng tula sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
3. Pangarap
Ilang beses mang muntikang sumuko
Aking pinaglaban upang ako’y lalago
marami mang isinakripisyo na luha, pawis at dugo
Hindi susuko upang makamit ang gusto
na patungo sa pangarap na itokahit ako’y problemado
dahil sa mga pagsubok na mahirap italo
nandito naman ang pamilya na nasa tabi ko…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Pangarap” ni Ate Shiri ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
4. Ang Aking Pangarap
Sa aking pag-iisa sa lupaing madilim,
Puno ng takot ang aking damdamin.
Ang aking hiling ay hindi marinig,
Pangarap ng sarili abutin ang bituinTumula’t kumatha ibig ng puso kong may sumpa
Mangarap lumipad sumabog at mawala
Kay sakit marinig ng hikbi at pagluha…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Aking Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Ang Aking Pangarap” ni Diane Medina ay isang halimbawa ng maikling tula sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
5. Pangarap
Nagsimula sa aking munting imahinasyon,
Inaasam na sana’y maging ganoon;
Twina’y idinadalangin ko sa panginoon,
Nawa’y tulungan niyang makamtang mabilis iyon.Ako sa twina ay isang sisiw na munti,
Walang kakayahan mahina ang binti;
Ang aking lakas ay nakakulong parati,
Mga hinaing di makawala sa labi.Nang una kong marinig ang salitang iyon,
Ako ay nagalak puso ko ay biglang talon,
Pagkat kanilang sambit libre raw ang ganon,..
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Pangarap” ni Diane Medina ay isang halimbawa ng tula sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
6. Ang Pangarap Kong Medalyon
Di ba’t kailan lang ako’y humahabi
Ng munting pangarap do’n sa isang tabi
Makaakyat ng entablado, bulong sa sarili
Pangarap na medalyon, lagi ng minimithi.Di niyo ba alam ang hirap na tiniis
Pa’no ko nalampasan mga projects at quizzes
Tambak na assignments, at maya’t mayang practice
Dula sa Filipino, stage play sa English.Nandyan din ang sayaw at art sa Mapeh
Exciting na debate at reporting sa A.P
Problem solving sa Math, Algebra at Geometry…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Pangarap Kong Medalyon” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Ang Pangarap Kong Medalyon” ni Theresa Baniquid ay isang halimbawa ng tula sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
7. Simpleng Pangarap
Mayroon akong gustong puntahan
Sa wari ko’y dapat kong kalagyan
Isang lugar makikita kung saan
Munting pangarap simula pa manIsang pagkakaton marahil sa iba
Sadyang simple at walang halaga
Ngunit may mga taong tumitingila
Bagong bayani ang bansag nilaIsang marangal at puno ng puso
May layuning tunay at totoo
Upang makatulong makabuo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Simpleng Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Simpleng Pangarap” ni Richelle M. ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
8. Lumipad at Mangarap
Daan tungo sa tagumpay ay lubhang matarik
At marami ang sa iyo ay pilit na hahatak
Huwag mawalan ng pag-asa, huwag iiyak
Mahal mo sa buhay pataas ika’y itutulakLinangin mo ang taglay na kakayanan
Gaya ng mamahaling bato at hiyas
Na kailangang kiskisin para kuminang
Di magtatagal at ikaw ay papaitaasHuwag sumuko, huwag itigil ang laban
Tagumpay ay halos abot mo na…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Lumipad At Mangarap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Lumipad At Mangarap” ay isang halimbawa ng maikling tula sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
9. Patungo sa Tuktok
Kayraming lubak, alon ay malakas
Tatagaan ang loob, sa daa’y maraming ahas
Maraming kasama ngnit ikaw ay mag-isa
Pagtaas ng tubig sa sapa, sa’yo ay walang kakargaNatural lang ang umiyak at magpapadayak
Pag-abot sa tuktok ay hindi basta at payak
Minsan pa nga sa’yo ay maraming tatapak
Pero ang payo ko sa’yo, sumayaw at pumalakpakHindi ka baliw sa iyong gagawin
Ipakita ang galing at taas ng mithiin…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Patungo Sa Tuktok” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Patungo Sa Tuktok” ni KLi ay isang halimbawa ng maikling tula sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
10. Bata (Ang Imposibleng Pangarap)
Nais kong lumipad tulad ng ibon sa kalawakan
Nais kong lumangoy gaya ng isda sa karagatan
Nais kong maging leong mabangis na katatakutan ng lahat
Nais kong maging serena na kumakanta habang lumalangoy sa dagatNais kong maging musikero na tumutugtog na mga instrumento
Nais kong maging sikat na singer na hawak hawak ang mikropono
Pagkat ako’y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Bata ( Ang Imposibleng Pangarap)” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Bata (Ang Imposibleng Pangarap)” ni Karl Gerald Saul ay isang halimbawa ng maikling tula sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
11. Isang Pangarap
Isang pangarap ang nais kong makamit
Kahit ang pag-asang maabot ay kay liit
Sa mga kislap ng tala ako ay nakatingin
Hinihiling na sana ang pangarap ko ay dinggin.Parang gabing madilim ang paligid ko
Na nabubulag sa paghihirap at daing ng tao
Kaya ang tanging pangarap ko…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Isang Pangarap” ni TheFrustatedWriter ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
12. Tuloy Parin
Tuloy ang aking pangarap
Para sa aking hinaharap
Sino man humarang sa aking harap
Aking haharapin para sa pangarapPangarap koy nais maabot
Kahit saakin ay may nakapalibot
Pangarap pipiliting maabot
Kahit na hindi na ako umabotAkoy tila bata na busog sa pangarap
Busog na busog para sa hinaharap…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tuloy Parin” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang tulang pinamagatang “Tuloy Parin” ni Neil Joshua Nery ay isang halimbawa ng maikling tula sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
Summary
Lahat ng tao ay may mga pangarap sa buhay. Kaya ang artikulong mga Tula Tungkol Sa Pangarap ay siyang magsisilbing inspirasyon natin sa pagharap sa hamon ng buhay. Hindi man madali ang proseso sa pag-abot sa ating mga pangarap marapa’t lamang na tayo ay maging masipag at hindi hihinto para maabot ito.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.