Pandemya : Isang Tula Tungkol Sa Pandemya

PANDEMYA – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Pandemya.” Ito ay isa sa mga halimbawa ng isang maikling tula tungkol sa pandemya. Sa tulang ito, sinasaad ni Trisha Pereyna ang hirap na dinaranas ng mga tao sa panahon ng pandemya.

Ang “Pandemya” ay tula tungkol sa hirap na dinaranas ng mga tao sa panahon ng pandemya na walang kasiguraduhan kung may lunas.

ProudPinoy Tula tungkol sa pandemya - Pandemya
Isang Tula Tungkol Sa Pandemya

Pandemya

Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan
ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
Ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito

Sa bawat pagpatak ng pawis
dama mo ang bigat na pasanin
ang dating mga ngiting mababanaag sa mga mukha
nakatago na dahil sa mga maskarang suot mo

Sa bawat pagtakbo ng oras
dalangin ng lahat ay lunas
takot, pangamba, pag-aalala
iyan and dala-dala ng madla…

Tula tungkol sa pandemya na isinulat ni Trisha Pereyna

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Pandemya

Sa maikling tula tungkol sa pandemya, isinaysay ng may akda ang hirap ng buhay sa panahong ito. Randam sa tula ang kawalan ng katiyakan sa pang araw-araw na buhay.

Sinasaad sa maikling tula na randam ng mga tao ang pangamba sa paglabas at pag-uwi nila sa kani-kanilang tahanan. Na miss rin nila ang mga araw noon na malaya pang nakakalabas na walang pangamba.

Sa huli, umaasa ang mga tao na makabangon ang bansa sa pandemyang ito. Paulit-ulit na sinasabi ng mga tao ito dahil sa pag-asang makamit ang kalayaan mula sa pandemyang ito.

Aral ng Tula

Ang tula na ito ay nagsasabi sa atin na kahit mahirap ang sitwasyon natin ngayon, dapat tayong magpursigi sa ating mga buhay.

Importanteng may kaagapay itong pag-iingat sa virus. Ang halimbawa ng tula na ito ay paalala na dapat mag-ingat at huwag sumuko sa panahong ito.

Summary

Ang tulang pinamagatang “PANDEMYA” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng Covid 19. Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng (Covid 19).

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment