Tula Tungkol Sa Pandemya – 10 Maikling Tula

TULA TUNGKOL SA PANDEMYA – Tunghayan ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pandemya (Covid 19) ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

Ang mga tula tungkol sa pandemya ay nagpapakita ng mga karanasan ng mga tao sa panahon ng pagsubok. May mga malungkot at masayang karanasan ang mga tao na siyang kapupulutan natin ng aral at inspirasyon.

Halimbawa ng Maikling Tula Tungkol sa Pandemya

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Tula Tungkol sa Pandemya.

  1. Pandemya

    Tula ni Trisha Pereyna

  2. TULA: Alay sa mga Frontliners sa COVID-19

  3. May Pagbabago pa ba?

  4. PANDEMYA

    Tula ni Pinong

  5. Labanan Ang Corona

  6. Pagsubok

  7. MABUHAY, MGA MODERNONG BAYANI!

  8. Sa Gitna Ng Pagsubok

  9. Panalangin Sa Pandemya

  10. Hibla Ng Pandemya

TULA TUNGKOL SA PANDEMYA 2021 - 10 HALIMBAWA NG TULA TUNGKOL SA PANDEMYA
TULA TUNGKOL SA PANDEMYA

1. PANDEMYA

Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan
ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
Ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito

Sa bawat pagpatak ng pawis
dama mo ang bigat na pasanin
ang dating mga ngiting mababanaag sa mga mukha
nakatago na dahil sa mga maskarang suot mo

Sa bawat pagtakbo ng oras
dalangin ng lahat ay lunas
takot, pangamba, pag-aalala…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “PANDEMYA” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “PANDEMYA” ni Trisha Pereyna ay isang halimbawa ng maikling tula sa panahon ng pandemya (Covid 19).

2. TULA: Alay sa mga Frontliners sa COVID-19

Sa inyo aming alay
Kayong nagliligtas ng buhay
Meron din kayong pangamba
Bagsik na dala ni Corona

Kayong humaharap  sa nakaambang panganib
Nanaig ang katapatan sa sinumpaang katungkulan
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.

Gapiin ang kamandag ni Corona
Huwag magwagi bagsik ni Corona

Naririnig namin usal ninyong hiling
Taimtim na panalangin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “TULA: Alay Sa Mga Frontliners Sa Covid 19” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “TULA: Alay Sa Mga Frontliners Sa Covid 19″ ni Malou Tiangco ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).

3. May Pagbabago pa ba?

Ating tingnan ang kapaligiran,
Ito’y tila isang panaginip.
“Tulong”, ingay nga bawat tahanan,
Naghihintay kung sinong sasagip.

Libong buhay na ang kinitil,
Nitong sakim na pandemya sa bansa.
“Tulong”, hinaing ng bawat ospital…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “May Pagbabago Pa Ba?” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang May Pagbabago Pa Ba? ay isang halimbawa ng maikling tula sa panahon ng pandemya (Covid 19).

4. PANDEMYA

Tumigil ang mundo
At natakot ang lahat
Nawalan ng halaga ang pera
Ang kapangyarihan ay nawalan ng pangil
Ang mga armas ay nawalan ng silbi para mangikil
At naningil ang mundo
Pilit nating pinakitunguhan ang moralidad na tila matagal na ring namamahay sa ating tahanan, hindi lamang natin napapansin
Alam nito ang bawat sulok ng ating bahay
Ang bawat lamok at gagambang kasama nyang nanirahan sa agiw
At ang mga librong nagtuturo at naghuhubog sa kawastuhan at pagpapakatao
Napapagpagan na ng alikabok at binabasa
Sa pagkainip…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pandemya ” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Pandemya” ni Pinong ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).

5. Labanan Ang ‘Corona’

Madalas na sambit noon, iyo na ang korona,
isang bagay na ibinibigay sa mga tunay na reyna.
Ngunit ang mundo isang ‘corona’ ang problema,
buong daigdig ay apketado na nitong epidemya.

Isang virus ang nagmula raw sa bansang Tsina,
isang uri ng trangkaso na may hirap sa paghinga.
lubhang tinatamaan ang maysakit na at matatanda,
tinitira ng corona ang puso kasama na rin ang baga.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nahahanap na lunas,
ngunit malaking bahagi naman ng nagkasakit ay gumaling.
Ugaliin daw na maging malinis at laging maghugas…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Labanan Ang Corona” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Labanan Ang Corona ay isang halimbawa ng maikling tula sa panahon ng pandemya (Covid 19).

6. PagsubOK

Hindi ko na maalala ang dating itsura ng nakasanayan kong kalsada
Nakakapanibago, Nawala na ang ingay ng mga naglalarong mga bata at usok ng mga sasakyan tuwing umaga.

Tahimik pero napakadelikado, at wala tayong ibang pagpipilian
Ngayong ang mga bagay na ating nakahiligan ay nagdudulot na ng panganib
Kumakalat na ito sa di mabilang na lalawigan at di mapigilan ang patuloy nitong paglawig

Maaari ka nitong bisitahin nang walang ano mang pahiwatig, kahit kailan at kahit saan.
Humahaba na ang listahan ng mga dinalaw nitong katawan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “PagsubOK” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “PagsubOK” ni Antinio Bathan Jr. ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).

7. MABUHAY, MGA MODERNONG BAYANI!

Hindi man ako kilala at magaling na makata
Ngunit taos-puso kong ikinatha itong tula
Na mga modernong bayani ang paksa
Sapagkat taos-puso rin ang aking pasasalamat
Na nararapat malaman ng lahat

Sa mga doktor, nurses, health personnels, at iba pang medical staff
Salamat sa pagiging matatag,
Buhay at kalusugan nyo’y walang kasiguraduhan
Pero kayo’y naging mapursigi at matapang

Upang mapagaling lahat ng nadapuan
Hindi alintana ang pagod, puyat, at pangungulila…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “MABUHAY, MGA MODERNONG BAYANI!” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang MABUHAY, MGA MODERNONG BAYANI! ay isang halimbawa ng maikling tula sa panahon ng pandemya (Covid 19).

8. “Sa Gitna ng Pagsubok”

Salamat Panginoon sa araw na ito
Muli mong pinadama ang pagpapala mo
Lahat ng biyaya na tinatangap ko,
Walang Ibang nais kundi ialay sa iyo

Sa Araw na ito ako’y gabayan
Pagsubok nawa ay akin nang malampasan
Pagkakataon sana ay muling pagbigyan
Hiling na kagalingan, akin nang makamtan

Alam ko pong ito’y bahagi ng yong plano
Mangyari nawa ang siyang kagustuhan Mo…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Sa Gitna Ng Pagsubok” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Sa Gitna Ng Pagsubok” ni BlueDreamer27 ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).

9. Panalangin Sa Pandemya

Taimtim ko na panalangin
Sana ay dinggin
Pandemyang hinaharap
Sana huwag lalong lumaganap.

Ako, ikaw, tayong lahat
Ay May responsibilidad
Para puksain at labanan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Panalangin Sa Pandemya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Panalangin Sa Pandemya” ni Ondrea Silava ay isang halimbawa ng maikling tula sa panahon ng pandemya (Covid 19).

10. Hibla Ng Pandemya

Nagmistulang tulala ang kislap
ng mga mata ng bawat isa;
Pumatak ang luha ng kawalan ng
pag-asa
Ang dating makulay na gunita
Ay mabilisang nabura ng
panibagong kabanata
Napalitan ang ngiti ng
bahaghari
Ng takot, lungkot at
pangangamba;
Na siya ring iginuhit ng…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Hibla Ng Pandemya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Hibla Ng Pandemya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Konklusyon

Ang pandemya ang masasabi kong nagpatigil sa mundo. Ang lahat ay tuliro, takot at hindi alam ang gagawin o kung paano haharapin ang pagsubok na dala ng Covid 19. Siguro, tayo ay ginising ng Diyos upang pagnilayan ang mga pangyayari sa ating buhay na nakakaligtaan natin. Kaya ang artikulong Tula Tungkol Sa Pandemya ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang patatagin ang ating kalooban, manalangin at maghanda dahil hindi natin alam ang maari pang mangyari bukas.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment