Tula Tungkol Sa Pamilya – 10 Maikling Tula

TULA TUNGKOL SA PAMILYA – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa pamilya ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang pamilya ang pinakamahalang grupo ng mga taong bumubuo ng isang kumunidad. Sa Isang pamilya, ang bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Ang ama ang haligi ng tahanan na siyang taga-suporta sa pangangailangan at taga-disiplina ng pamilya. Ang ina naman ang ilaw ng tahanan na siyang katuwang ng ama sa pagtataguyod at pag-gabay sa kanilang mga anak hanggang sa kanilang paglaki. Mga anak naman ang kasiyahan at biyaya ng Diyos sa isang pamilya.

Bagama’t hindi ng lahat ng pamilya ay buo at nagmamahalan. Ang iba ay watak-watak at nag-aawayan, sana sa pamamagitan nitong mga tula nawa ay maging inspirasyon mu sa pagbuo ng pamilya sa susunod ang mga tulang ito. Marahil ay makakarelate ka sa mga malulungkot at masasayang karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa pamilya.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

10 Halimbawa Ng Maikling Tula Tungkol Sa Pamilya

Time needed: 5 minutes.

  1. Isang Tula Para Sa Aking Pamilya

  2. Ang Aming Mag-anak

  3. Tula Para Sa Pagmamahal Sa Pamilya

  4. Ang Aking Pamilya

    Tula ni Joan Cunanan Vangeles

  5. Pamilya

    Tula ni Erickyle Aguilar

  6. Ang Aking Pamilya

    Tula mula sa suezylle.blogspot.com 

  7. Kanlungan

  8. Pamilya

    Tula ni Julyhet Roque

  9. Buwak Na Pamilya

  10. Ang Aking Pamilya

    Tula ni Julie Ann F. Rosario

TULA TUNGKOL SA PAMILYA 2021 - 10 HALIMBAWA NG MAIKLING TULA TUNGKOL SA PAMILYA
TULA TUNGKOL SA PAMILYA

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling tula. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa paggpapahalaga at pagmamahal sa inyong pamilya.

1. Isang Tula Para sa Aking Pamilya

Mula ng ako ay isilang
ako ay nagkaroon ng muwang
upang paglaki ko’y
makapagpasalamat sa aking magulang…

Sa aking AMA na siyang dahilan
kung bakit ako ay may pangalan
salamat sa iyo
ako ay naging tao…

Sa aking INA na siyang nagpalaki
upang pagtanda ko’y maipagmalaki
salamat sa’yo
nagkaroon ako ng magandang mundo…

Sa aking mga KAPATID na mahal ako
salamat sa inyo lumaki ako
binihisan ako para maging katulad nyo
at maipagmalaki pati ng ibang tao…

Hindi man ako perpekto
minsan may pusong bato…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Tula Para Sa Aking Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Para Sa Aking Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

2. Ang Aming Mag-anak

Ang aming mag-anak ay laging Masaya,
Maligaya kami nina ate at kuya.
Mahal kaming lahat ina ama’t ina,
Mayroon ba kayong ganitong pamilya?

Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,
Tulong ni ama ay laging nakaabang…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Aming Mag-anak” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Ang Aming Mag-anak ay isang halimbawa ng maikling tula na may pagmamahal at pagpapahalaga. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

3. Tula Para Sa Pagmamahal Sa Pamilya

Sobrang nagpapasalamat sa D’yos na gumawa ng buhay
Si mama at papa naming nagbigay ng magandang buhay at umalalay
Nagsakripisyo sa amin ng ginhawa’y maialay
Mula pagka-silang hanggang sa kami’y magkamalay

Ang aking ina ay ilaw,
Taknbuhan namin kapag nadidiliman dahil sa kalungkutan
Sa lahat ng katanungan
Siya ang nagbibigay katanungan

Ang aking ama’y haligi,
Tagapagtanggol, sumusuporta at humahalili…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Para Sa Pagmamahal Sa Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Tula Para Sa Pagmamahal Sa Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

4. Ang Aking Pamilya
Tula ni Joan Cunanan Vangeles

Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.
Sa loob ng labing-walo na pagkabuhay ko sa mundo,
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.
Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga
Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.
Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.
Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Aking Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Ang Aking Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula na may pagmamahal at pagpapahalaga. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

5. Pamilya
Tula ni Erickyle Aguilar

Si tatay,
siya yung tipong gagawin ang lahat,
kahit buong buhay niya ibibigay,
pupunta kahit saan, kahit kailan,
masuportahan lang ang buong pamilya.

Siya rin yung kahit na may mali ka,
pilit pa ring iintindihin ka,
grabe ‘yan kung magalit,
pero pagdating sayo, may pusong mamon.

Ang haligi ng tahanan, ang tagapagbantay,
hahanapin ka pag napapahiwalay,
walang sinumang pababayaan,
hangga’t kaya, ipaglalaban,

Kahit sobrang daming problema,
kinikimkim nalang, hndi pinapaalam,
kasi ayaw niya kayong mapahamak pa.

Kaya ‘tay, kahit marami kang ginagawa,
pinararamdam mo pa ring andiyan ka,
pero ‘tay, kamusta ka na?

Si nanay,
siya ang ilaw ng tahanan, totoo nga naman,
iingatan ka, pakakainin ka, ipagluluto ka…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

6. Ang Aking Pamilya
Tula mula sa suezylle.blogspot.com 

Siguro, hindi na ako makakakita pa
Ng pamilyang kasimbuo ng isang tula,
Yung sama sama ang mga talinghaga
Sa hirap man o sa ginhawa

Yung kapag binabasa mo’y kumakanta
Sa sala’y naglalaro’t nagpapatawa
May pag-ibig na nadarama
Sa bawat pahayag o taludtod nya.

Yung hindi kayang ilipad ng hangin
Ang kanyang himig o adhikain
May bagyo man o may rilim
Matatag, umiindayog pa rin.

Yung ang mga salita ay may bisa
Sa isip at galaw ng mga bata…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Aking Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Ang Aking Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula na may pagmamahal at pagpapahalaga. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

7. Kanlungan

Paano ko nga ba makalilimutan
Ang napakainit na bisig ng aking mga magulang
Na siyang aking naging kanlungan
magmula ng ako ay isinilang

Tuwing ikinukwento ng aking mahal na ina
Ang mga panahon na ako ay kanyang inaaruga
Pawang ngiti lamang ang nakikita sa labi niya
At maging sa kanyang mga mata

Akin ding inaaalala kung paano ako alagaan ni ama.
Na walang kasing higpit at bibihirang tumawa…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Kanlungan” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Kanlungan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

8. Pamilya
Tula ni Julyhet Roque

Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,
Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,
Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod
Kahit na mangapal ang palad sa pagod…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula na may pagmamahal at pagpapahalaga. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

9. Buwak na Pamilya

May mga bagay na kailangan
Kung tanggapin kahit hindi ko maunawaan
Na ang dating buo ngayon ay sira na
Na ang dating masayang pamilya ngayon ay wala na
Paulit ulit na binubulong ng aking isip

Maraming tanung sakin isip
Paano nga ba ? Anu nga ba?
Wala na bang pag asa ?
O kailangan ko nalang tanggapin
Na aking magulang ay wala na

Wala na??? Wala na ?? Wala na!!
Wala ng pag asa na maging isa muli
O hindi na ba ma bubuo muli…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Buwak Na Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Buwak Na Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

10. Ang Aking Pamilya
Tula ni Julie Ann F. Rosario

Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga
Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Aking Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang paksa na pinamagatang Ang Aking Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula na may pagmamahal at pagpapahalaga . Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Summary

Ang ating pamilya ang kasa-kasama at nagmamahal sa atin araw-araw. Sila ang nagpapatibay at nagsisilbing inspirasyon natin. Kaya ang artikulong mga Tula Sa Pamilya ay siyang kapupulutan natin ng kilig at inspirasyon na harapin ang ating mga crush.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling tula. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

1 thought on “Tula Tungkol Sa Pamilya – 10 Maikling Tula”

Leave a Comment