Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Maikling Tula

TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN – Sa araling ito inyong matutunghayan ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang pagmamahal sa bayan ay isang malaking tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa atin. Ito ay dapat na isaisip at isapuso nating lahat. Ang pagmamahal sa bayan ay isang bagay na dapat huwag nating ikahiya at dapat natin itong ipagmalaki. Kahit sa pinaka-simpleng paraan ay mahalagang ipakita natin ang pag-ibig natin sa Inang Bayan.

Sana sa pamamagitan nitong mga tula sa pagmamahal sa bayan nawa ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating Inang Bayan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula sa pagmamahal sa bayan.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

20 Halimbawa Ng Maikling Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Tula sa Pagmamahal Sa Bayan.

  1. Bayang Sinilangan

  2. Pilipinas Kong Minamahal

  3. Pilipinas, Pilipinas Kong Mahal

  4. Ako Ay Pilipino

  5. Sa Iyo… Aking Bayan

  6. Pagmamahal Sa Bayan

  7. Isang Tula Sa Bayan

    Tula ni Marcelo H. Del Pilar

  8. Pilipinas, Ikaw Ang Aking Bansa!

  9. Bayani Ng Bayan

  10. Pag-ibig Sa Bayan

  11. Isang Tula Sa Bayan

    Tula ni Cristine Mae Bagasbas

  12. Pag-asa Ng Bayang Wala

  13. Isang Alaala Ng Aking Bayan

    Tula ni Dr. Jose Rizal

  14. Sa Kabataang Pilipino

  15. Tamang Landas Baluktot Parin Bukas

  16. Huling Paalam

    Tula ni Dr. Jose Rizal

  17. Pilipinas Debate 2016

  18. Katapusang Hibik Ng Pilipinas

    Tula ni Andres Bonifacio

  19. Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa

    Tua ni Andres Bonifacio

  20. Kartilya

    Tula ni Emilio Jacinto

TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN 2021 - 20 HALIMBAWA NG MAIKLING TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN
TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang tula sa pagmamahal sa bayan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula sa pagmamahal sa bayan.

1. Bayang Sinilangan

Ako ay Pilipino
Buong pusong minamahal ang aking sariling bayan
Paggalang at pagrespeto ay aking ihahandog
Para sa bayang aking sinilangan

Taglay nitong yaman ay hindi ko sasayangin
Pulu-pulong lupang lumulutang sa dagat
At mga bundok na natataniman ng mga halaman…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Bayang Sinilangan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Bayang Sinilangan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

2. Pilipinas kong Minamahal

Ako’y Pilipino
Pilipinong totoo
Aking dugo at pawis iaalay ko
Para sa bansang iniirog

Aking itsura, aking ipinagmamalaki
Ako’y di tulad ng iba…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pilipinas Kong Minamahal” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Pilipinas Kong Minamahal ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

3. Pilipinas, Pilipinas kong Mahal

Pilipinas, Pilipinas kong mahal…
Baki hindi kana umuusad bayan kong mahal…
Kahirapan ang daing ng karamihan…
Bayan ko kaya ay makaahon pa…

Bayang walang pagmamahal sa sariling pinaggalingan…
puro daing ang binibitiwan…
Walang ginagawa kundi paunlarin ang mga sarili kapakanan…
pero paano ang ating bayan…

Politikang sing sangsang pa ng malansang isda
Korupsiyon ang gawi ng iba…
Oh Para magpabango laman tuwing araw nang election…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pilipinas, Pilipinas Kong Mahal” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Pilipinas, Pilipinas Kong Mahal ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

4. Ako ay Pilipino

Ako ay Pilipino
Ipinanganak na may talino
Na maipapamahagi ko
Para sa kapakanan ng mundo

Ako ay Pilipino
Isinasabuhay ko ang kultura ko
Hindi ko ikakahiya ito
Kahit saan man ako magtungo

Ako ay Pilipino
Ipaglalaban ko ang katarungan ko…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ako Ay Pilipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Ako Ay Pilipino ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

5. Sa Iyo… Aking Bayan
Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan

Pangako ko’y katapatan
Sa ‘yo aking mutyang bayan;
Sa puso ko’y laging simpan
Itong aking pagmamahal.

Watawat mo’y igagalang,
Itatampok sa isipan
Pagka’t ito ay sagisag
Nitong layang nakakamtan.

Ang dangal mo’y aariing
Isang hiyas na may ningning;
Yaman mo ay sisinupin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Sa Iyo… Aking Bayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Sa Iyo… Aking Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

6. Pagmamahal sa Bayan

Pagmamahal kung san ka sinilang,
Pagmamahal sa ating Bayan,
Pagmamahal sa Lugar kung san ka unang Natutong magmahal,
Pagmamahal sa ating bayan,
Bayan kung san ka naninirahan,
Pero Pagmamahal paba ang pinapakita mo sa bayan?,
Lalo’t yang Ginagawa mo ay mga Bagay na di inaasahan nino man,
Mga Bagay na Di ko nagugustuhan,
Kaya Pwede ba?,
Paki Bago naman,
Ang Ating Bayan ay Nagsisilbing ating Tahanan,
Kaya Kailangan nating Linisan,
At hnd iwanan,
Para lang Makapunta sa Ibng Bansa,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pagmamahal Sa Bayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Pagmamahal Sa Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

7. Isang Tula sa Bayan

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Pawang nalilimbag ang lalong dakila;
Narito rin naman ang masamang gawa
Na ikaaamis ng puso’t gunita

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin;
Na pawang naghandog ng galak sa akin,
Ay inaruga mo, bayang ginigili.

Ipinaglihim mo na ako’y bata pa,
Ang pagdaralitang iyong binabata;
Luha’y ikinubli’t ng di mabalisa,
Ang inandukha mong musmos kung ligay.

Ngayong lumaki ng loobin ng langit,
Maanyong bahagya yaring pag-iisip;
Magagandang nasa’y tinipon sa dibdib,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Tula Sa Bayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Sa Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

8. Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!

Sa hitik na yaman nitong kalikasan,
Hindi magugutom, hindi magkukulang,
Pilipinas na Ina ng mamamayan,
Kumakandili nga sa buting kandungan.

Ang mga dagat at kailaliman,
Saganang pagkai’t mga pangisdaan,
Ang lalim na tubig na asul sa kulay,
Ay siyang panlinis sa lupang katawan.

Ang mga gubat na hitik sa bunga,
Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,
At pati hayop sa dulong kabila,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pilipinas, Ikaw Ang Aking Bansa!” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Pilipinas, Ikaw Ang Aking Bansa!” ni Avon Adarna ay isang halimbawa ng maikling tula sa pag-ibig o pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para lamang sa ating inang bayan.

9. Bayani Ng Bayan

Nakikita mo ba sila?
Ang mga bayani ng ating bansa?
Na lumalaban para sa ating karapatan
Nagtatanggol sa kinabukasan ng ating kabataan.
Lahat ay iaalay
Maging ang sariling buhay.

Sundalo taas noo
Pag-ibig ng bayan ay totoo
Mawalan man ng buhay
Sa aming mga puso kayo’y naririyan
Nagpapasalamat sa inyong kagitingan
Sabay na itataas ang bandila
Iwawagayway dahil ika’y dakila
Inspirasyon at tinitingala
Ng mga Pilipino at ng ating bansa.

Pulis noon ay kinatatakutan
Ngunit sa akin ika’y kailangan ng bayan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Bayani Ng Bayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Bayani Ng Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

10. Pag-ibig sa Bayan

huwag mo lang isigaw
patunayan mo rin
sa pagpapaunlad ng iyong kultura
yaman at galing.

Iyong tandaan
ikaw ang katawan ng bayan
lahat ng papuri
at pintas sa iyo
ay siya ring papuri…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pag-ibig Sa Bayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Pag-ibig Sa Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

11. Isang Tula sa Bayan

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
paung nalilimbag ang lalong dakila,
narito rin naman ang masamang gaua,
na ikaaamiis ng puso’t gunita.

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
halaman at bundok, yaman at bukirin,
na pauang naghandog ng galak sa akin,
ay inaruga mo bayng ginigiliw.

Ipinaglihim mo nang ako’y bata pa,
ang pagdaralitang iyong binabata,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Tula Sa Bayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Isang Tula Sa Bayan” ni Marcelo H. Del Pilar ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

12. Pag-asa ng Bayang Wala

PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no’y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe’t libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pag-asa Ng Bayang Wala” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Pag-asa Ng Bayang Wala” ni George Andres ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

13. Isang Alaala Ng Aking Bayan

Nagugunita ko ang nagdaang araw
ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito’y naglalagos sa ‘king katauhan
lalong sumisigla’t nagbabagong buhay

Kung aking masdan ang liryong busilak
animo’y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito’y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Alaala Ng Aking Bayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Isang Alaala Ng Aking Bayan” ni Jose Rizal ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

14. Sa Kabataang Pilipino

Itaas ang iyong noong aliwalas
ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami’y sa iyo’y naghihintay
at dalhin mo roon sa kaitaasan.

Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw
na mga silahis ng agham at sining…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Sa Kabataang Pilipino” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Sa Kabataang Pilipino” ni Jose Rizal ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

15. Tamang Landas Baluktot parin Bukas
Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan

Bayan ko, Bayan kung sinilangan
Saan ka ngayon matatagpuan
Kagandahan mo’t perlas bakit lumagapak?
Bayan ko, Bayan ko tinalikuran kanang lahat.

Kalunos lunos na hagupit sa bayan ko’y sumapit
Pagkat mga kababayan ko
Sa salapi naaakit, tila wala nang malasakit sa Bayang nagigipit.

Wala na ang mga tunay na bayani, mga mapagbalat kayo tila naghahari.
Mga pangakong tila binaon sa kabaon…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tamang Landas Baluktot Parin Bukas” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Tamang Landas Baluktot Parin Bukas ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

16. Huling Paalam

Paalam na, sintang lupang tinubuan,
Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.

Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Huling Paalam” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Huling Paalam” ni Jose Rizal ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

17. Pilipinas Debate 2016

Sumayad ang takong ng apat na kandidato
Hindi para mangalakal at maghain
ng kani-kaniyang plataporma.
Alay ang boses para sa nagkakalansingang masa,
Habang magbabanyera ng laway ng pananalita.
Tagisan, ika nga
Tahasang pagbubukambibig ng motibo sa bayang
May kinabukasan pa.

BINAYubay nga ba ang Pilipinas naming mahal?
Sa FOI na minsang itinapo’y ano ang tugon?
Hampas-lupa ba ang mga Pilipino
Para magbulag-bulagan
Sa binulsang kaban ng bayan?
Yang pambobola nyong haing 5Ps…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pilipinas Debate 2016” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Pilipinas Debate 2016” ni Sy Lilang ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

18. Katapusang Hibik ng Pilipinas

Sumikat na Ina sa sinisilangan
ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita’t hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis…
ang layaw ng anak: dalita’t pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo’y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Katapusang Hibik Ng Pilipinas” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Katapusang Hibik Ng Pilipinas” ni Andres Bonifacio ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

19. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta’t sumulat,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio ay isang halimbawa ng mga maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

20. Kartilya

Ang kabuhayan hindi ginugugol sa isang malaki
at banal na kadahilanan ay kahoy na walang
lilim kundi man damong makamandag.

Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita
sa sarili at hindi sa talagang nasang gumawa
ng kagalingan ay di kabaitan.

Ang tunay na kabanalan ay ang
pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa, at
ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Kartilya” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Kartilya” ni Emilio Jacinto ay isang halimbawa ng mga maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Summary

Ang pagmamahal sa bayan ay isang malaking tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa atin. Kaya ang artikulong mga Tula Sa Pagmamahal Sa Bayan ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon sa pagpapahalaga at pagmamahal sa ating Inang Bayan.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling tula sa pagmamahal sa sariling bayan. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment