Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Maikling Tula 2021

TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang pagmamahal sa bayan ay isang malaking tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa atin. Ito ay dapat na isaisip at isapuso nating lahat. Ang pagmamahal sa bayan ay isang bagay na dapat huwag nating ikahiya at dapat natin itong ipagmalaki. Kahit sa pinaka-simpleng paraan ay mahalagang ipakita natin ang pag-ibig natin sa Inang Bayan.

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa pagmamahal sa bayan nawa ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating Inang Bayan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa pagmamahal sa bayan.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

20 Halimbawa Ng Maikling Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan 2021

Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Maikling Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Inang Bayan 2021

TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN 2021 - 20 HALIMBAWA NG MAIKLING TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN
TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN 2021 – 20 HALIMBAWA NG MAIKLING TULA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL SA BAYAN

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Pagmamahal Sa Bayan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa bayan.

Bayang Sinilangan

Ako ay Pilipino
Buong pusong minamahal ang aking sariling bayan
Paggalang at pagrespeto ay aking ihahandog
Para sa bayang aking sinilangan

Taglay nitong yaman ay hindi ko sasayangin
Pulu-pulong lupang lumulutang sa dagat
At mga bundok na natataniman ng mga halaman
Ay sapat lamang para sa ating pangangailangan

Kaya ating pangalagaan
Bayan kung saan tayo nagsimula
Dahil tanging hangad lang naman ng ating bayan
ay respetuhin at igalang ng lahat

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Mga Anak ni Rizal (MAR) mula sa emeare.blogspot.com.

Ang tulang pinamagatang Bayang Sinilangan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Pilipinas kong Minamahal

Ako’y Pilipino
Pilipinong totoo
Aking dugo at pawis iaalay ko
Para sa bansang iniirog

Aking itsura, aking ipinagmamalaki
Ako’y di tulad ng iba
Pagkat sa Pilipinas nanggaling
Bansang ito’y labis na mamahalin

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Mga Anak ni Rizal (MAR) mula sa emeare.blogspot.com.

Ang tulang pinamagatang Pilipinas Kong Mahal ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Pilipinas, Pilipinas kong Mahal

Pilipinas, Pilipinas kong mahal…
Baki hindi kana umuusad bayan kong mahal…
Kahirapan ang daing ng karamihan…
Bayan ko kaya ay makaahon pa…

Bayang walang pagmamahal sa sariling pinaggalingan…
puro daing ang binibitiwan…
Walang ginagawa kundi paunlarin ang mga sarili kapakanan…
pero paano ang ating bayan…

Politikang sing sangsang pa ng malansang isda
Korupsiyon ang gawi ng iba…
Oh Para magpabango laman tuwing araw nang election
Tanging pakitang gilas, mga buwaya ng lipunan

Bayan koy inaankin na nang mga dayuhan…
Animoy alipin sa sarili nating bayan…
Mga banyaga lumulustay ng ating likas yaman…
para lang yumaman ang iilan…

Bakit nagkagayon aking tanong sa sarili
Rizal, nasaan na ang pinaglaban?
Animoy nalimot na ng karamihan…
Animoy binura nabura naba sa kasaysayan…

Mga sakripisyo nang ating mga bayani
Nag buwis ng buhay para sa ating bayan…
Nasayang lang ba ang buhay nilang naging tapat sa ating bayan…

Sana ating pagnilay nilayan…
Pilipinas, Pilipinas kong mahal
Ngayoy nasaan na…
Naghihingalo sa kamay ng bayan…

Bayang nakalimot na…
Bayang nagsilisan na…
Bayang sarili lang ang inuna…
Bayang tinalikdan na ang perlas ng sinilangan silangan…

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Norfhel V. Ramirez.

Ang tulang pinamagatang Pilipinas, Pilipinas Kong Mahal ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Ako ay Pilipino

Ako ay Pilipino
Ipinanganak na may talino
Na maipapamahagi ko
Para sa kapakanan ng mundo

Ako ay Pilipino
Isinasabuhay ko ang kultura ko
Hindi ko ikakahiya ito
Kahit saan man ako magtungo

Ako ay Pilipino
Ipaglalaban ko ang katarungan ko
Karapatan ko at ng lahat ng kalahi ko
Na matanggap ang nararapat na respeto

Ako ay Pilipino
Mahal ko ang bayan ko
Hinding hindi ko isusuko
Ang pagiging isang Pilipino

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Mga Anak ni Rizal (MAR) mula sa emeare.blogspot.com.

Ang tulang pinamagatang Ako Ay Pilipino ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Sa Iyo… Aking Bayan

Pangako ko’y katapatan
Sa ‘yo aking mutyang bayan;
Sa puso ko’y laging simpan
Itong aking pagmamahal.

Watawat mo’y igagalang,
Itatampok sa isipan
Pagka’t ito ay sagisag
Nitong layang nakakamtan.

Ang dangal mo’y aariing
Isang hiyas na may ningning;
Yaman mo ay sisinupin
Ng kalinga at paggiliw

Iyong wika’y mamahalin,
Palagi kong gagamitin;
Sisikaping paunlarin
Magsisilbing buklod namin

Pag-unlad mo aking bansa
Dinadalangin sa Lumikha;
Sana’y kamtin ang biyaya,
Kaunlaran at pithaya.

Ang tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ay mula sa Pinoyedition.com.

Ang tulang pinamagatang Sa Iyo… Aking Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Maikling Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Inang Bayan 2021

Pagmamahal sa Bayan

Pagmamahal kung san ka sinilang,
Pagmamahal sa ating Bayan,
Pagmamahal sa Lugar kung san ka unang Natutong magmahal,
Pagmamahal sa ating bayan,
Bayan kung san ka naninirahan,
Pero Pagmamahal paba ang pinapakita mo sa bayan?,
Lalo’t yang Ginagawa mo ay mga Bagay na di inaasahan nino man,
Mga Bagay na Di ko nagugustuhan,
Kaya Pwede ba?,
Paki Bago naman,
Ang Ating Bayan ay Nagsisilbing ating Tahanan,
Kaya Kailangan nating Linisan,
At hnd iwanan,
Para lang Makapunta sa Ibng Bansa,
Pero ung ginagawa mo bakt puro pasikat lng?,
Kunwari Mahal ang Bayan,
Pero Wla namn Talaga syang Pakielam,
Nagbago na ng Lubusan ang mga Kabataan sa Panahon ngaun,
Puro Pakitang Tao lng ung Nakikita ko,
Pero Pwede Pa nmn nating Baguhin ang Lahat,
Pwede naman nating Mahalin ng Wlang Kapalit at Totoo ang ating Bayan,
Pwede Namn nating simulan sa Pagpapahalaga sa ating Kapaligiran,
Pwede rin sa Paggawa ng Kaaya aya sa Kapwa,
At Kung Gusto mo Pwede Mo Naman Simulan Sa Pagtangkap na Sa Bayang to ka Pinanganak kaya kahit ano gawin mo Kahit sobrang init dto kailangan motong Pahalagahan Dahil ang Bayan na toh ang Nagturo sayong magpakatotoo.
Katotohanan ang Kailangan ng Bayan,
Pero Higit nitong Kailangan Ay ang Pagmamahal na Tayo lamang ang makakapagbigay.

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan mula sa Spoken Word Poetry – Tagalog.

Ang tulang pinamagatang Pagmamahal Sa Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Isang Tula sa Bayan

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Pawang nalilimbag ang lalong dakila;
Narito rin naman ang masamang gawa
Na ikaaamis ng puso’t gunita

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin;
Na pawang naghandog ng galak sa akin,
Ay inaruga mo, bayang ginigili.

Ipinaglihim mo na ako’y bata pa,
Ang pagdaralitang iyong binabata;
Luha’y ikinubli’t ng di mabalisa,
Ang inandukha mong musmos kung ligay.

Ngayong lumaki ng loobin ng langit,
Maanyong bahagya yaring pag-iisip;
Magagandang nasa’y tinipon sa dibdib,
Pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap
Ang pagdakusta mo’t naamis na palad;
Sa kaalipinan mo’y wala nang nahabag,
Gayong kayraming pinagpalang anak!

Sa agos nang iyong dugo ipinawis,
Marami ang dukhang agad nagsikimis,
Samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ay hapung-hapo na’t putos nang gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang
Ng Diyos na lalong makapangyarihan
Na siya na dapat na magbigay-dangal,
Bagkus ay Siya pang kinukutyang tunay.

Ngunit mabuti rin at napupurihan,
Sa paghahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na dito na ang puno’y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala
Ng nangagpupuno sa ami’y sukat na;
Ang hulog ng langit na bagyo’t kolera,
Lindol, beriberi, madla pangbalisa.

Tula ni Cristine Mae Bagasbas

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Sa Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!

Sa hitik na yaman nitong kalikasan,
Hindi magugutom, hindi magkukulang,
Pilipinas na Ina ng mamamayan,
Kumakandili nga sa buting kandungan.

Ang mga dagat at kailaliman,
Saganang pagkai’t mga pangisdaan,
Ang lalim na tubig na asul sa kulay,
Ay siyang panlinis sa lupang katawan.

Ang mga gubat na hitik sa bunga,
Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,
At pati hayop sa dulong kabila,
Nabubusog din at nagpapakasawa!

Ang mga lupa sa luntiang bukid,
Ay pakikinabangan kapag pinilit,
Magtanim lamang ng palay o mais,
At tiyak na kakain sa oras ng gipit!

Mahalin ang bayan saan man pumunta,
Ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,
Ibiging mabuti at maging malaya,
Upang manatili ang Inang dakila!

Ang tula ay alay sa mahal na bansa,
Pagkat ako’y kanyang inaaruga,
Itong Pilipinas na bayan ko’t ina,
Mamahalin ko saan man pumunta!

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Avon Adarna.

Ang tulang pinamagatang Pilipinas, Ikaw Ang Aking Bansa! ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Bayani Ng Bayan

Nakikita mo ba sila?
Ang mga bayani ng ating bansa?
Na lumalaban para sa ating karapatan
Nagtatanggol sa kinabukasan ng ating kabataan.
Lahat ay iaalay
Maging ang sariling buhay.

Sundalo taas noo
Pag-ibig ng bayan ay totoo
Mawalan man ng buhay
Sa aming mga puso kayo’y naririyan
Nagpapasalamat sa inyong kagitingan
Sabay na itataas ang bandila
Iwawagayway dahil ika’y dakila
Inspirasyon at tinitingala
Ng mga Pilipino at ng ating bansa.

Pulis noon ay kinatatakutan
Ngunit sa akin ika’y kailangan ng bayan
Huhuli sa mga krimenal
At ipapakita ang taglay na dangal.

Guro na sa amin ay nagtitiis
Salamat sa araw-araw na tinitiis
Ang mga gawain ng kabataan
Na inuunawa at pinagpapasensyahan
Guro mahal ng aming kabataan
Saludo kami sa inyong kakayahan
Salamat sa aral na itinuro
Sa amin ito ay ginto.

Bayani sila ng ating bayan
Mahalin natin at pahalagahan
Sundalo, Pulis at Guro
Ang mga bayani ng buong pusong itataas
Dakila at kayamanan ng Inang Pilipinas…..

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Hannaheart.

Ang tulang pinamagatang Bayani Ng Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Pag-ibig sa Bayan

huwag mo lang isigaw
patunayan mo rin
sa pagpapaunlad ng iyong kultura
yaman at galing.

Iyong tandaan
ikaw ang katawan ng bayan
lahat ng papuri
at pintas sa iyo
ay siya ring papuri
at pintas
sa iyong bayan.

Pag-ibig sa bayan
nawa’y huwag mong limutin
bagkus
gawin mong gabay
sa pagpapaunlad ng iyong sarili.

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Marites C. Cayetano.

Ang tulang pinamagatang Pag-ibig Sa Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Isang Tula sa Bayan

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
paung nalilimbag ang lalong dakila,
narito rin naman ang masamang gaua,
na ikaaamiis ng puso’t gunita.

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
halaman at bundok, yaman at bukirin,
na pauang naghandog ng galak sa akin,
ay inaruga mo bayng ginigiliw.

Ipinaglihim mo nang ako’y bata pa,
ang pagdaralitang iyong binabata,
luha’y ikinubli’t nang di mabalisa,
ang inandukha mong musmos kong ligaya.

Ngayong lumaki nang loobin ng langit,
maanyong bahagya yaring pag-iisip,
magagandang nasa’y tinipon sa dibdib,
pagtulong sa iyo baying iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap
ang pagkadutsa mo’t naamis na palad.
sa kaalipunan mo’y wala nang nahabag,
gayong kay-raming pinagpalang anak!

Sa agos ng iyong dugong ipinawis,
marami ang dukhang agad nagsikimis,
samantalang ikaw, Bayang iniibig,
ay hapung-hapo na’t putos nang gulanit.

Santong matuid mo ay iginagalang,
ng Diyos na lalong makapangyarihan
na siya ngang dapat na magbigay dangal,
bagkus ay siya pang kinukutyang tunay.

Nguni’t mabuti rin at napupurihan,
sa paghahari mo itong pamamayan,
sapagka’t nakuhang naipaaninaw,
na dito ang puno’y din a kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala,
ng nangagpupuno sa ami’y sukat na
ang hulog ng langit na bagyo’t kolera
lindol, beriberi madla pang balisa.

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Marcelo H. Del Pilar.

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Sa Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Pag-asa ng Bayang Wala

PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no’y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe’t libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang ‘yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli’y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo’y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo’y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya’t may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua’t mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa’y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli’y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao’y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila’y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli’y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko’t idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan George Andres.

Ang tulang pinamagatang Pag-asa Ng Bayang Wala ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Isang Alaala Ng Aking Bayan

Nagugunita ko ang nagdaang araw
ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito’y naglalagos sa ‘king katauhan
lalong sumisigla’t nagbabagong buhay

Kung aking masdan ang liryong busilak
animo’y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito’y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat
ang bukang liwayway na nanganganinag
masayang bumabati, may ngiti sa lahat.

Naalaala kong may kasamang lumbay
ang kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama ko’y inang mapagmahal
siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala kong lubhang mapanglaw
bayan kong Kalambang aking sinilangan
sa dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng aking saya’t kaaliwan

Di miminsang tumikim ng galak
sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag
Mababakas pa rin yaong mga yapak
na nag-uunahan sa ‘yong mga gubat
sa iyong kapilya’y sa ganda ay salat
ang mga dasal ko’y laging nag-aalab
habang ako nama’y maligayang ganap
bisa ng hanging mo ay walang katulad.

Ang kagubatan mong kahanga-hanga
Nababanaag ko’y Kamay ng Lumikha
sa iyong himlayan ay wala nang luha
wala nang daranas ni munting balisa
ang bughaw mong langit na tinitingala
dala ang pag-ibig sa puso at diwa
buong kalikasa’y titik na mistula
aking nasisinag pangarap kong tuwa.

Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw
dito’y masagana ang saya ko’t aliw
ng naggagandahang tugtog at awitin
siyang nagtataboy ng luha’t hilahil
Hayo na, bumalik ka’t muli mong dalawin
ang katauhan ko’y dagling pagsamahin
tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin
sa pananagana ng bukong nagbitin.

Paalam sa iyo, ako’y magpupuyat
ako’y magbabantay, walang paghuhumpay
ang kabutihan mo na sa aking pangarap
Nawa’y daluyan ka ng biyaya’t lingap
ng dakilang Diwa ng maamong palad;
tanging ikaw lamang panatang maalab
pagdarasal kita sa lahat ng oras
na ikaw ay laging manatiling tapat.

Tula tungkol sa bayan ni Jose Rizal.

Ang tulang pinamagatang Isang Alaala Ng Aking Bayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Sa Kabataang Pilipino

Itaas ang iyong noong aliwalas
ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami’y sa iyo’y naghihintay
at dalhin mo roon sa kaitaasan.

Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw
na mga silahis ng agham at sining
mga Kabataan, hayo na’t lagutin
ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan ang putong na lubhang makinang
sa gitna ng dilim ay matitigan
maalam na kamay, may dakilang alay
sa nagdurusa mong bayang minamahal.

Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais
kagyat na lumipad sa tuktok ng langit
paghanapin mo ang malambing na tinig
doon sa Olimpo’y pawang nagsisikap.

Ikaw na ang himig ay lalong mairog
Tulad ni Pilomel na sa luha’y gamot
at mabisang lunas sa dusa’t himuntok
ng puso at diwang sakbibi ng lungkot

Ikaw, na ang diwa’y makapangyarihan
matigas na bato’y mabibigyang-buhay
mapagbabago mo alaalang taglay
sa iyo’y nagiging walang kamatayan.

Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles
sa wika inamo ni Pebong kay rikit
sa isang kaputol na lonang maliit
ginuhit ang ganda at kulay ng langit.

Humayo ka ngayon, papagningasin mo
ang alab ng iyong isip at talino
maganda mong ngala’y ikalat sa mundo
at ipagsigawan ang dangal ng tao.

Araw na dakila ng ligaya’t galak
magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas
purihin ang bayang sa iyo’y lumingap
at siyang nag-akay sa mabuting palad.

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Jose Rizal

Ang tulang pinamagatang Sa Kabataang Pilipino ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Tamang Landas Baluktot parin Bukas

Bayan ko, Bayan kung sinilangan
Saan ka ngayon matatagpuan
Kagandahan mo’t perlas bakit lumagapak?
Bayan ko, Bayan ko tinalikuran kanang lahat.

Kalunos lunos na hagupit sa bayan ko’y sumapit
Pagkat mga kababayan ko
Sa salapi naaakit, tila wala nang malasakit sa Bayang nagigipit.

Wala na ang mga tunay na bayani, mga mapagbalat kayo tila naghahari.
Mga pangakong tila binaon sa kabaon.
Saan naba tayo ngayon?

Bayan kong tinatangi.
Paanu ba magagapi kung ang mananakop ay kauri.
Masdan mo silang mag hari
Ang Bayan ko’y naging isang malaking munti..

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Norfhel V. Ramirez.

Ang tulang pinamagatang Tamang Landas Baluktot Parin Bukas ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Maikling Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Inang Bayan 2021

Huling Paalam

Paalam na, sintang lupang tinubuan,
Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.

Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.

Ako’y mamamatay ngayong minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag
Ibinababalang araw ay sisikat
Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.

Kung dugo ang iyong kinakailangan
Sa ikadidilag ng iyong pagsilang,
Dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang
Nang gumigiti mong sinag ay kuminang.

Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,
Magpahanggang ngayon maganap ang bait,
Ang ikaw’y makitnag hiyas na marikit
Ng dagat Silangan na nakaliligid.

Noo mo’y maningning at sa mga mata
Mapait na luha bakas ma’y wala na,
Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadungua’t munti mang pangamba,

Sa sandaling buhay maalab kong nais
Ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit
Ng kaluluwa king gayak ng aalis:
Ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit!

Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,
Mamatay at upang mabigyan kang buihay,
Malibing sa lupang puspos ng karika’t
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.

Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin,
Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.

Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,
Mataos na taghoy ng may sintang sibsib,
Bayang tumaggap noo ko ng init,
Na natatabunan ng lupang malamig.

Bayan mong ako’y malasin ng buwan
Sa liwang niyang hilano’t malamlam;
Bayan ihatid sa aking liwayway
Ang banaang niyang dagling napaparam.

Bayaang humalik ang simoy ng hangin;
Bayaang sa huning masaya’y awitin
Ng darapong ibon sa kurus ng libing
Ang buhay payapang ikinaaaliw.

Bayaang ang araw na lubhang maningas
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Maging panganuring sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.

Bayaang ang aking maagang pagpanw,
Itangis ng isnag lubos na nagmamahal;
Kung may umalala sa akin ng dasal,
Ako’y iyo sanang idalangin naman.

Idalangin mo rin ang di nagkapalad,
Na nangamatay na’t yaong nanganhirap
sa daming pasakit, at ang lumalangap
naming mga ina luhang masaklap.

Idalangin sampo ng bawa’t ulila
at nangapipiit na tigib ng dusa;
idalangin mo ring ikaw’y matubos na
sa pagkaaping laong binata.

Kung nababalot na ang mga libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
at wala ng tanod kundi pawing patay,
huwang gambalain ang katahimikan.

Pagpitagan mo ang hiwagang lihim,
at mapapakinggan ang tinig marahil,
ng isang saltero: Ito nga’y ako ring
inaawitanka ng aking paggiliw.

Kung ang libingan kong limot na ang madla
ay wala nang kurus at bato mang tanda
sa nangangabubukid ay ipaubayang
bungkali’t isabog ang natipong lupa.

Ang mga abo ko’y bago pailanglang
mauwi sa wala na pinaggalingan,
ay makalt munag parang kapupunanng
iyong alabok sa lupang tuntungan.

Sa gayo’y walaa ng anoman sa akin,
na limutin mo ma’t aking lilibutin
ang himpapawid mo kaparanga’t hangin
at ako sa iyo’y magiging taginting.

Bango, tinig, higing, awit na masaya
liwanag aat kulay na lugod ng mata’t
uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.

Ako’y yayao na sa bayang payapa,
na walang alipi’t punoing mapang-aba,
doo’y di nanatay ang paniniwala
at ang naghahari Diyos na dakila.

Paalam anak, magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.

Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan,
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Jose Rizal.

Ang tulang pinamagatang Huling Paalam ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Pilipinas Debate 2016
032116

Sumayad ang takong ng apat na kandidato
Hindi para mangalakal at maghain
ng kani-kaniyang plataporma.
Alay ang boses para sa nagkakalansingang masa,
Habang magbabanyera ng laway ng pananalita.
Tagisan, ika nga
Tahasang pagbubukambibig ng motibo sa bayang
May kinabukasan pa.

BINAYubay nga ba ang Pilipinas naming mahal?
Sa FOI na minsang itinapo’y ano ang tugon?
Hampas-lupa ba ang mga Pilipino
Para magbulag-bulagan
Sa binulsang kaban ng bayan?
Yang pambobola nyong haing 5Ps
Saan nga ba ang liderato ng ngiting may bungisngis?
At sa pagbaba ng tax, maibabalik nyo ba
Ang nasa bangko ninyong
May iba’t ibang ngalan?
Sagot ba ang waivers at ilang kasulatan?
Kamusta naman ang assets nyo at liquidations?
Sana’y hindi maging makati ang mga kamay,
Gawin **** mala-Makati, wag lang ulitin ang pangangati.

Mala-Talk Back and You’re Dead,
Yan ang peg ng kamandag ni Duterte.
Palabiro raw sya’t matalas ang dila,
Bagkus ang masa’y panay ang tugon sa kamao niya.
Kamay na bakal, iyo bang ibabalik?
Sabik nga ba sa Death Penalty ang kinauukulan?
Sa posibleng anim na buwan ng iyong pag-upo,
Sana’y malinis ang minsang Tuwid raw na Daan.
Posible bang dahas ang kasagutan
Sa bayang talamak ang bayaran at tulakan?

Tila saulado mo ang bawat numero,
Ang galang mo Poe, nagmula nga ba sa pusong Pilipino?
Paano nga kung nagising kang
May alarma sa Bayan,
Babangon ka ba talaga’t di kami tatalikuran?
Wag sanang gaya ng pagtapon mo
Sa Amerikang minsang naging bayan mo rin.
Paano mo babalansehin ang tulong
Ng malalaking korporasyon sayo?
Boto ba nila’y hindi mo binili?
Wala bang kapalit ang oo
Ng mga batikan at mayayamang negosyante?

MARami ka nang satsat sa Daang Matuwid na yan,
Talamak na rin ang paghuhugas-kamay
Para sa patapos nang administrasyon.
Ba’t nga ba panay ang pag-eendorso mo
Sa sarili’t tila baga sayo nanggaling ang pondo noong Yolanda.
Naroon ka nga’t ika’y ligaw at wala raw tugon,
Ano itong alarma mo raw
Pag nandyan lamang ang kamera.
Wala bang tiwala sayo si PNoy?
At tinago pa sayo ang nauukol sa mamasapano?
Kamusta po ang pag-endorso ng Pangulo sayo?
Sana’y inasikaso niya na lang
Ang nahuhuling termino.

Marami na po kayong mga pangako,
Naawa nga kami sa Translator
Pagkat gulung-gulo rin siya
Sa pag-aagawan ng oras at mikropono.

Magandang ideya ang naganap na mga Debate,
Pagkat nauntog ang Bayan,
Nagigising aming diwa’t magigisa ang tamang boto.
Ang boto ng bawat Juan,
Para yan sa Bayan.
Sana’y matiyak po nating
Wala nga tayong kinikilangan
Maliban sa malinis na eleksyon.

Tayo ang simula, kapwa ko mga Juan!
Maging wais tayo!
Makialam para sa Bayan!
Gising Pilipinas!

“Alab ng puso,
Sa dibdib ko’y buhay!”
– Lupang Hinirang

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Sy Lilang.

Ang tulang pinamagatang Pilipinas Debate 2016 ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Katapusang Hibik ng Pilipinas

Sumikat na Ina sa sinisilangan
ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita’t hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis…
ang layaw ng anak: dalita’t pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo’y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi’t biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo’t sa dagat itapon;
barilin, lasunin, nang kami’y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga’y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula’y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto’t lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente’y nagkalat,
rekargo’t impuwesto’y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami’y inisip,
kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado—kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito’y ang mga iba pa,
huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,
Tagalog di’y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya’t sukaban,
kami’y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila’t kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa
ng mga Tagalog,O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami’y mapuksa,l
angit mo naman ang kami’y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Andres Bonifacio.

Ang tulang pinamagatang Katapusang Hibik Ng Pilipinas ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?

Ito’y ang Inang Bayang tinubuan:
Siya’y ina’t tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
Mula sa masaya’y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala’t inaasa-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa’y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na’t ibangon ang naabang bayan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Ng kahoy ng buhay na nilanta’t sukat,
Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig
At hanggang may dugo’y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Andres Bonifacio.

Ang tulang pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang halimbawa ng mga maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Summary of Mga Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan 2021

Ang pagmamahal sa bayan ay isang malaking tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa atin. Kaya ang artikulong mga Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon sa pagpapahalaga at pagmamahal sa ating Inang Bayan.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Reply

%d bloggers like this: