TULA TUNGKOL SA MAGULANG– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Tula Para Sa Magulang”. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa magulang ay mula sa kay Isaiah M. Apolinario.
Ang mga tulang ito ay tungkol sa magulang. Ang pinakamahalagang aspeto sa pag-unlad natin ay ang ating mga magulang. Wala sa atin ang makakapunta sa ating paroroonan kung hindi dahil sa ating mga magulang. Sa tulang “Tula Para Sa Magulang”, makikita ang pagmamahal ng mga magulang sa atin at walang sinuman sa mundo ang maaaring magmahal sa iyo ng higit sa iyong mga magulang.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Magulang. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa magulang.
Tula Tungkol Sa Magulang: Tula Para Sa Magulang
At ito ang tula na pinapamagatang “Tula Para Sa Magulang”.
Lagi silang nandiyan para sa iyo
Minamahal ka nila ng buong-buo
Pinangangalagaan ka’ng husto
At sila ang mga magulang mo.Sobrang maaga bumabangon
Nagtratrabaho hanggang hapon
Kahit pagod basta may maahon
Para mayroon ka lang pambaon.Pag may ikinakatakot ka
Sa kanila ka pumupunta
Nakikinig sa pangangailangan mo
Ginagawa ang lahat para sa iyo.Ginagabay ka at tinutulungan
Harapin ang iyong dinadaanan
Sila’y dapat respetuhin at mahalin
Dahil sa kanila ika’y may makain.
Buod ng Tula
Ang tulang pinamagatang Tula Para Sa Magulang ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal ng magulang. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang mga sakripisyo na ginagawa ng kanyang mga magulang. Sila ay nagtatrabaho buong araw para lang may baon siya. Nandiyan rin sila kapag kailangan mo ng sandalan. Higit sa lahat, nariyan sila upang gumabay para sa magandang kinabukasan.
Aral ng Tula
Ang aral na mapupulot natin sa “Tula Para Sa Magulang” ay pahalagahan ang iyong mga magulang dahil hindi mo alam kung anong mga sakripisyo ang pinagdaanan nila para sa iyo. Lahat ay kaya nilang ibigay para sayo kaya laging suklian ito ng pagmamahal at respeto.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Tula Para sa Magulang” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa mga magulang. Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.
Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol Sa Magulang. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa magulang, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
- Tula Tungkol Sa Guro – 30 Tula Tungkol Sa Guro 2021
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino 2021 | 10+ Halimbawa Ng Tula sa Wika
- Tula Tungkol Sa Pangarap 2021 – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
- Talumpati Tungkol sa Wika
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Kaibigan | Short Stories Tagalog
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig | Short Stories Tagalog
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap | Short Stories Tagalog
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan | Short Stories Tagalog
- Anu Ang Maikling Kwento: Kahulugan at Halimbawa
- Tula Tungkol Sa Magulang – 20 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Magulang (Pagmamahal At Paggalang Sa Ina At Ama) 2021
- Nang at Ng Pagkakaiba – Tamang Paggamit ng Ng at Nang
- Example of Tanaga Poem in English and Tagalog
- Panitikan Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021 – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021