Tula Tungkol Sa Magulang: Magulang (Tula ni Realine Manago)

TULA TUNGKOL SA MAGULANG– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Magulang“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa magulang ay mula sa kay Realine Mañago.

Ang mga tulang ito ay tungkol sa magulang. Ang pinakamahalagang aspeto sa pag-unlad natin ay ang ating mga magulang. Wala sa atin ang makakapunta sa ating paroroonan kung hindi dahil sa ating mga magulang. Sa tulang Magulang, makikita ang pagmamahal ng mga magulang sa atin at walang sinuman sa mundo ang maaaring magmahal sa iyo ng higit sa iyong mga magulang.

Tula Tungkol Sa Magulang - Magulang Tula ni Realine Manago
Tula Tungkol Sa Magulang – Magulang Tula ni Realine Manago

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Magulang. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa magulang.

Tula Tungkol Sa Magulang: Magulang

At ito ang tula na pinapamagatang “Magulang”.

Mabubuting magulang ilalarawan,
Ang kanilang nagawang kaligayahan,
Marapat lamang bigyan ng kapurihan,
Walang hanggang pag-ibig ay ilalaan,
Para sa haligi’t ilaw ng tahanan.

Masayang araw ng aking pagkabata,
Ang kaginhawaan ay aming panata,
Masayang pagdiriwang ay ikakanta,
Natatanging magulang ay sinisinta,
Pag-ibig ng pamilya’y hindi nalanta.

Naging masaya simulang kamusmusan,
Sa aking isipan ay nakalarawan,
Sa aming bahay palaging may sayawan,
Hanggang ngayon dama ko ang katamisan,
Magulang ang tangi kong inaasahan.

Mag-aral mabuti ang naging litanya,
Upang ang buhay mo ay maging malaya,
Buhay ng magulang ay handang itaya,
Paghihirap ay kanilang kayang kaya,
Kapagka magulang kasama’y masaya.

Paghihirap ay kanilang titiisin,
Pawis sa noo’y kanilang papawiin,
Masakit na likuran hihlurin,
Maunlad na pamumuhay pipilitin,
Pagmamahal sa pamilya’y pupunoin.

Pagdurusa ay kanilang hihigupin,
Kayod kalabaw ang nagiging gawain,
Bumabaha man, nagtratrabaho pa rin,
Upang sa pamilya ay may mapakain,
Pasalubong sa anak di lilimutin.

Napakalakas ang pag-ihip ng hangin,
Ang sariwang hangin aking lalanghapin,
Bagong araw na darating salubungin,
Matibay na pamilya ay nasa atin,
Naging matatag dahil sa panalangin.

Sa hapag ng hirap, magsikap manalo,
Ang magulang ay hindi magpapatalo,
Masaya kami tuwing salo-salo,
Liwanag ng pag-asa’y naging sulo,
Problema ng buhay tayo’y mananalo.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang Magulang ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal ng magulang. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang magulang. Sinasaysay din ng may akda ang mga ginagawa ng kanyang mga magulang para sa kanilang pamilya. Titiisin nila ang hirap para mabigay ang masayang buhay sa kanilang mga anak. Sa hirap at problema ay hindi sila magpapatalo kaya hanga ang may akda sa kanyang magulang.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Magulang” ay pahalagahan ang iyong mga magulang dahil hindi mo alam kung anong mga sakripisyo ang pinagdaanan nila para sa iyo. Lahat ay kaya nilang ibigay para sayo kaya laging suklian ito ng pagmamahal at respeto.

Summary

Ang tulang pinamagatang Magulang” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa mga magulang. Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Magulang. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa magulang, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment