Ang Ibon na Kinulong sa Haula : Tula Tungkol Sa Magulang

ANG IBON NA KINULONG SA HAULA – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang tula na pinamagatang “Ang Ibon na Kinulong sa Haula”. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa magulang ay mula kay Nathaniel Anthony T. Jubac.

Ang mga tulang ito ay tungkol sa magulang. Ang pinakamahalagang aspeto sa pag-unlad natin ay ang ating mga magulang. Wala sa atin ang makakapunta sa ating paroroonan kung hindi dahil sa ating mga magulang. Sa tulang “Ang Ibon na Kinulong sa Haula”, makikita ang pagmamahal ng mga magulang sa atin at walang sinuman sa mundo ang maaaring magmahal sa iyo ng higit sa iyong mga magulang.

Tula Tungkol Sa Magulang - Ang ibon na kinulong sa haula
Tula Tungkol Sa Magulang

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Magulang. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa magulang.

Tula Tungkol Sa Magulang: Ang Ibon na Kinulong sa Haula

At ito ang tula na pinapamagatang “Ang Ibon na Kinulong sa Haula”.

Ako ay katulad sa ibong kinulong sa haula.
Kinulong ako dito ng aking sariling pamilya.
Pinanganak at lumaki, malungkot at magisa.
Tanging ako ng, nagtanda ng walang kasama.

Ang aking haula ay maganda.
Iwan ng magulang, ito ay pamana.
Perpekto itong lahat sana,
kung meron akong kasama.

Lumaking malamig sa tao, kahit sa sariling pamilya,
ayaw kong ganito, magbago ako sana,
sa salang ito ako ay nakokonsensiya,
Puso ko tigilan mo na ito, ako’y nagmamakaawa.

Nayong panahon nakalaya na ako sa haula,
pero di ko parin matigil ang panlalamig sa aking pamilya.
Ito ang pagsisikapan ko, ito ang aking pangako.
Ang relasyon ko sa aking pamilya ay magbabago.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang Ang Ibon na Kinulong sa Haula ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal ng magulang. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang pakiramdam na parang kinulong sa haula. Ganito ang kanyang nararamdaman dahil sa mag-isa lamang siya. Ang haula o bahay ay maganda ngunit malungkot siya dahil wala siyang kasama dito.

Hiling niya na magbago na siya, ngayon na nakalaya na siya at ngayon ay independent na. Gusto niya ring mapalapit sa kanyang mga magulang para makabawi sa kanyang pinakita sa kanila

Aral ng Tula na Ang Ibon Na Kinulong Sa Haula

Ang aral na mapupulot natin sa tula ay binibigay ng ating mga magulang ang lahat para sa ating mabuting kapakanan. Minsan, binibigay ng ating mga magulang ang lahat para sa atin ngunit hindi natin ito gusto. Huwag tayong matakot na sabihin ang gusto natin sa ating mga magulang dahil maiintindihan nila ito.

Summary

Ang tulang pinamagatang Ang Ibon na Kinulong sa Haula” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa mga magulang. Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng tula tungkol sa magulang na pinamagatang Ang Ibon na Kinulong sa Haula.” Narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol Sa Magulang. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa magulang, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment