Ulap : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

ULAP – Maputi at parang bulak sa malayo – kay ganda talaga ng mga ulap. Sa tulang ito ay masasaksihan natin ang isang napapanahong aral tungkol sa kalikasan. Ang tulang ito ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus, na siguradong makapagbibigay aliw sa inyong mambabasa.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Ulap
Ulap : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Ulap

Dati akong panyo ng mahal na birhen
Na isinalalay sa pakpak ng anghel;
Maputi, malinis, maganda, maningning,
Ang lahat sa langit, nainggit sa akin.

At ako’y ginamit sa kung saan-saan,
Pamunas ng noo ni Bathalang mahal;
Kung gabi’y kulambo’t kung araw’y kanlungan,
Lalong pampaganda sa bukang-liwayway.

Kung umaga ako’y ginto sa liwanag,
Karong sinasakyan ng Araw sa sinag;
At kung gabi namang tahimik ang lahat
,
Dahilan sa Buwan, nagkukulay pilak…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Jose Corazon de Jesus

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Ulap”

Ang tulang tungkol sa kalikasan na pinamagatang “Ulap” ay tungkol sa araw-araw na gawain ng isang ulap. Ang ulap na kay puti ay ginagamit kung saan-saan. Ito ay andiyan sa gabi upang magpaganda sa bukang liwayway.

Nagkukulay ginto naman sa umaga at nagkukulay pilak naman sa gabi. Dahil sa dami ng gawain niya ay nalulungkot ito at ito ang dahilan ng pag-ulan. Pagkatapos nito ay sawa na ang lahat at tila di na nagunita ang hirap na dinanas niya.

Aral ng Tula

Ang tulang pinamagatang “Ulap” ay nagbibigay sa atin ng aral na “pahalagahan ang ating kalikasan sa naidulot nitong kabutihan sa atin.” Ito ay isang metapora tungkol sa nangyayari sa ating kalikasan.

Ang dami nating hiling sa ating kalikasan ngunit kapag ito ay naningil sa ating kakulangan ay nalilinutan natin ang kabutihan niya sa atin. Laging magpasalamat at sa Diyos sa bigay niyang biyaya ng kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang Ulapay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment