Tula Para Kay Inang Kalikasan

TULA PARA KAY INANG KALIKASAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “tula para kay inang kalikasan.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Precious Lovely Ramos.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Tula Para Ky Inang Kalikasan
Tula para kay Inang Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Tula Para Kay Inang Kalikasan

Ang ating kapaligiran ay pag masdan mo
Napakaganda nga n gating paraiso
Binibigay pangangailangan ng tao
Ating mundo’y sadyang nilikha na perpekto

Sagana sa tubig, malinaw at malinis
Sarap ng simo’y ng hang’y di maaalis
Iba’t ibang hayop sa berdeng kagubatan
Magagandang tanawin,katsarap puntahan

Subalit ngayon,ano ang nangyari?
O,an gating problema at napakalaki
Masarap na tubig ngayo’y napakarumi
Nasaan na mga punong dati’y kayrami…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Precious Lovely Ramos

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng “Tula Para Kay Inang Kalikasan”

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan. Inilalarawan sa tula kung ano kaganda ng ating kalikasan at kung paano niya binibigay ang ating pangangailangan.

Subalit dahil sa mga tao, ngayo’y napakarumi at unti-unti itong nasisira. Nararamdaman din ang ganti niya sa pabago-bagong panahon. Hinihikayat ng may akda na iligtas ang kalikasan dahil hindi pa huli ang lahat.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “dapat ingatan ang inang kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating inang kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang tula para kay inang kalikasan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment