Tula ng High School Para sa Kalikasan

TULA NG HIGH SCHOOL PARA SA KALIKASAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “tula ng high school para sa kalikasan.” Ito ay tungkol sa mga kabataan na may pagmamahal sa inang kalikasan na isinulat ni Edbhert.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Tula ng High School Para sa Kalikasan
Tula ng High School Para sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Tula ng High School Para sa Kalikasan

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Edbhert

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng “Tula ng High School Para sa Kalikasan”

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan.

Nilalarawan ng may akda ang kagandahan ng mga bundok, gubat, at mga lambak. Sinasabi niya na dapat nating alagaan ang kalikasan dahil kung pababayaan ito, hindi tayo aasenso at tayo rin ang mahihirapan.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula ina ito ay “dapat ingatan ang inang kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.

Summary

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment