Trahedya : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

TRAHEDYA – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “Trahedya.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na mula sa panitikanatbp.wordpress.com.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol sa Kalikasan: Trahedya
Trahedya : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Trahedya

1.

Literal na paliligo sa dagat ng basura
Pagkaanod ng sariling bangkay
Sa rumaragasang ilog, bukal at sapa.

Ang tubig na noo’y bumubuhay
Sumisingasing, bumubugso, pumapatay
Uli-uling lumalamon sa sangkatauhan!

2.

Lupang pinagmulan ng lahi ni Adam
Lupang kayumangging biyaya ng buhay
Lupang paglilibingan ng lupang katawan.

Alog ng daigdig, badya ng trahedya
Bitak na animo’y bungangang nagnganga
Matibay na muog ay panlaman sa sikmura…

Tula tungkol sa kalikasan na nagmula sa panitikanatbp.wordpress.com

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Trahedya”

Ang tulang pinamagatang “trahedya” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan.

Nilalarawan ng may akda ang pagkasira ng ating kalikasan. Ang dating nagbibigay buhay sa atin ay sumisira na ngayon sa ating buhay. Nagtatanong ang may akda kung ano ang nangyayari sa ating mundo at kung tayo nga ba ang may kasalanan nito.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “trahedya” ay dapat ingatan ang Inang Kalikasan. Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang trahedya” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment