SIYUDAD : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

SIYUDAD – Ang siyudad ay tinatawag na konkretong gubat. Nagtataasang gusali at nagsisibilisang sasakyan ang makikita mo dito at mapapatanong ka kung ano ba ang epekto nito sa kalikasan?

Sa tulang ito, matutunghayan ninyo ang tulang “Siyudad” na isinulat ni Krysel Anson. Ito ay tungkol sa kalikasan na magbibigay sa inyo ng aliw at aral na dadalhin ninyo habang buhay.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Siyudad
SIYUDAD (City: Bones of the Jungles) – Tula tungkol sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

SIYUDAD (City: Bones of the Jungles)

Dito sa Lungsod ng mga siksikang tren
sa umaga at sa gabi ng paglubog sa mga makinarya,
Ang sentro ng  pabrikang papel at usok, na buong bilis
sa inaliping katapatan at tapang
ay naninirahan palagi sa piling
ng mga madaming mga ipis at daga.

May nalilimutan na mahalaga tungkol
Sa tahimik na hele ng mga flourescent na ilaw, kaalwanan
ng mga matatayog na pangako ng condo’t bagong mga kainan, magagarang mga pabuya.
Mga panibagong mga tagisan ng lakas
sa mga makabagong Coliseum ng Roma,
sa bawat amoy ng dugo at bagong silang…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Krysel Anson

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Siyudad”

Ang tula tungkol sa kalikasan na pinamagatang “siyudad” ay ang paghahalintulad sa mga siyudad sa totoong gubat.

Sa dulot ng mga siyudad na polusyon at problema, ang kalikasan ang nagpapaalala sa kakulangan ng tao sa pag-aaruga nito. Kahit ano pang makinarya ng tao ay hindi nito matatalo ang bagsik ng kalikasan kapag ito ay naningil na.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “huwag kalimutang alagaan ang kalikasan sa kabila ng pag-unlad.” Laging tandaan na nag-iisa lang ang ating kalikasan at bigyang importansya ang kalikasan kapag umuunlad sa buhay.

Summary

Ang tulang pinamagatang siyudaday isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment