Salot ng Mundo : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

SALOT NG MUNDO – Sa araling ito, matutunghayan natin ang isang tula tungkol sa kalikasan na pinamagatang “salot ng mundo.” Ang tulang ito ay isinulat ni Kev Catsi, na siguradong kakapulutan natin ng aral tungkol sa pag-aaruga sa ating kalikasan.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan: Salot ng Mundo [2021]
Salot ng Mundo : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Salot ng Mundo

Sa hinagpis ni inang kalikasan
Tila tayo ngayo’y napaparusahan
Sa paglaganap ng epidemya na mahirap lunasan
Buong mundo ngayon ay nahihirapan

Sa kalamidad at krisis na ngayo’y ating hinaharap
Na napakasakit at sadyang masaklap
Sangkatauha’y  ngayon ay naghihirap
Buhay ng isang tao’y kayang mawala sa isang iglap…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Kev Catsi

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Salot ng Mundo”

Ang tulang pinamagatangsalot ng mundoay tungkol sa hinagpis ng ating kalikasan na parang salot para sa atin. Ngunit ito ang paraan ng kalikasan upang gumaling sa mga totoong salot – ang tao.

Hinihingi ng akda na sana ay magsilbing aral na ang mga sakuna sa atin na nag-iisa lang ang ating kalikasan at dapat itong ingatan.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “dapat ingatan ang inang kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Summary

Ang tulang pinamagatang salot ng mundoay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment