Sa Paglubog ng Araw : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

SA PAGLUBOG NG ARAW – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “sa paglubog ng araw.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na mula sa kay Jose M. Villena.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Sa Paglubog ng Araw
Halimbawa ng Tula tungkol sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Sa Paglubog ng Araw

Nagbabagang bolang ginto’y gumugulong sa kanluran,
Dahan-dahan kung ibuyog sa maulap na hantungan;
Ang katalik na maghapon ay aayaw na paiwan,
Nakabuntot sa pag-isod mula roon sa silangan.

Kadilimang naghuhunab sa mababang panginori’y
Pasalunong sumusunson sa luhaang takipsilim;
Ang daluyong ay pataghoy kung humalik sa pampangin,
Habang doon sa tumana’y dumadalit yaong hangin…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Jose M. Villena

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Sa Paglubog ng Araw”

Ang tulang pinamagatangsa paglubog ng araway isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan.

Inilalarawan ng may akda ang takip silim sa kanilang nayon at hinahalintulad niya ito sa pag-asa. Ang magandang memorya ay nawasak ng nasira ang kalikasan. Kinalulungkot nito ang sinapit na tadhana sa kalikasan.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “dapat ingatan ang inang kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating inang kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang “sa paglubog ng araw” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment