Puno at Ikaw : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

PUNO AT IKAW – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “puno at ikaw.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na nagmula sa jasonhamster.wordpress.com.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Puno at Ikaw
Puno at Ikaw : Isang Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Puno at Ikaw

I

Nakalimutan mo na bang ako’y iyong itinanim
Nang minsan ikaw ay walang makain?
Kay tagal mong nag-intay ikaw man ay nainip
Panahon na lumipas ako’y di mo man lang sinilip.

II

Ako ay mag-isang lumalaki na ayon sa kapalaran,
Ikaw ay nainip, bumaling sa ibang halaman.
Hindi ko kaagad naihandog sayo ang aking prutas
Ikaw ay nagtampo, sa ibang puno ka namitas.

III

Marami kami ngayon na naglipana sa gubat,
Tignan mo muna ang hawak mong patpat…

Tula tungkol sa kalikasan na nagmula sa jasonhamster.wordpress.com

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Puno at Ikaw”

Ang tulang pinamagatang “puno at ikaw” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan.

Ikinikwento ng isang puno ang kanyang nararamdaman sa tao. Sa tula, mukhang nakalimutan ng tao na mahalin ang punong tinanim. Gusto lang naman ng puno na pahalagahan sila at alagaan tulad ng isang magulang sa kanyang anak.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “puno at ikaw” ay dapat ingatan ang Inang Kalikasan. Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang puno at ikaw” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment