TULA TUNGKOL SA KALIKASAN– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Panglalanggas“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan ay mula sa kay airuser_kyla galing sa Wattpad.
Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito. Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Kalikasan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.
Tula Tungkol Sa Kalikasan: Panglalanggas
At ito ang tula na pinapamagatang “Panglalanggas”.
Sugat sa puso ni Inang Daigdig
Na dulot nang labis na pagkaganid
Mawawala lamang ang naknak at sakit
Kung lalanggasin ng pagkalinga’t pag-ibig.Bawat pagmamalabis, bunga ay kakulangan;
Bawat pagkukulang, ariing kasalanan;
Walang hustisyang iginawad, nang walang babayaran
Walang buhay na inutang, na buhay din ang kabayaran!Kaya ang paglalangas, sa puso ni Ina
Ay hindi bukas, o kaya sa makalawa
Ikaw na matalino, nagsasabing pantas ka—
Dapat mong mapagkuro ang panaho’y ngayon na!
Buod ng Tula
Ang tulang pinamagatang “Panglalanggas ” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan. Sinasabi niya na dapat nating mahalin ang ating Inang Daigdig. Ang daming pagmamalabis at pagkukulang ang ating nagawa at dapat na natin ayusin ito sa madaling panahon.
Aral ng Tula
Ang aral na mapupulot natin sa “Panglalanggas” ay dapat ingatan ang Inang Kalikasan. Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito. Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Panglalanggas“ ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Kalikasan. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
- Tula Tungkol Sa Guro – 30 Tula Tungkol Sa Guro 2021
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino 2021 | 10+ Halimbawa Ng Tula sa Wika
- Tula Tungkol Sa Pangarap 2021 – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
- Talumpati Tungkol sa Wika
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Kaibigan | Short Stories Tagalog
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig | Short Stories Tagalog
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap | Short Stories Tagalog
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan | Short Stories Tagalog
- Anu Ang Maikling Kwento: Kahulugan at Halimbawa
- Tula Tungkol Sa Magulang – 20 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Magulang (Pagmamahal At Paggalang Sa Ina At Ama) 2021
- Nang at Ng Pagkakaiba – Tamang Paggamit ng Ng at Nang
- Example of Tanaga Poem in English and Tagalog
- Panitikan Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021 – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021