Pag-ahon : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

PAG-AHON – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “pag-ahon.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na mula sa panitikanatbp.wordpress.com.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Pag-ahon
Pag-ahon : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Pag-ahon

Anong lakas mayroon ka, o Pinay/Pinoy?
Sa anumang hagupit ng buhay:
Hirap man o gutom, baha man o lindol
Epidemya man o pagguho ng burol—
Sa iyong pagkakalugmok agad kang bumabangon?

Anong anting-anting, pangontra’t orasyon
Ang mayroon ka, o lahing kung tawagin ay Pinoy?
Sa halip na magmukmok, buong buhay magbaoy—
Bukas ay ngingiti, bukas ay babangon
Kahit pa ang luha sa ngayo’y bumabalong?…

Tula tungkol sa kalikasan na nagmula sa panitikanatbp.wordpress.com

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Pag-ahon”

Ang tulang pinamagatang “pag-ahon” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan. Nilalarawan ng may akda ang katatagan ng isang Pilipino sa harap ng sakuna.

Kahit anong hagupit ng trahedya, tayong mga Pilipino ay bumabangon at nagpapatuloy sa buhay. Lagi lang nating tatandaan ang mga aral ng mga nakaraan upang tayo ay matuto at umasenso.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa pag-ahon” ay “dapat ingatan ang Inang Kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang pag-ahon” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment