Tula Tungkol Sa Kalikasan: Na-Ondoy, Na-Pepeng

TULA TUNGKOL SA KALIKASAN– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Na-Ondoy, Na-Pepeng“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan ay mula sa kay panitikanatbp.wordpress.com.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito. Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Na-Ondoy Na-Pepeng
Tula Tungkol Sa Kalikasan – Na-Ondoy Na-Pepeng

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Kalikasan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan: Na-Ondoy, Na-Pepeng

At ito ang tula na pinapamagatang “Na-Ondoy, Na-Pepeng”.

Bugtung-bugtong, anak ng pungapong
Aral ni Tandang Pepeng at Ondoy
Pakinggan, pakinggan, mga Ineng at Utoy
Upang tumalino sa susunod na panahon:

Unang aral na dapat matutunan
Hindi dapat ginagahasa si Inang Kalikasan
Sapagkat kapag nagbuntis ang sinapupunan
Hindi biyaya ang supling kundi kamatayan!

Ikalawang aral na dapat tumimo
Sa kukute natin at ating pangkuro:
Upang sa trahedya tayo’y malayo
Kahandaan lamang ang sagot katoto.

Ikatlong bertud ni Ondoy at Pepeng
Isang anting-anting walang mintis ang galing:
Matutong magsuri sa paligid natin
Upang makita ang tanda ng lagim:

Bitak sa lupa, mga guhit sa dingding
Kalbong gubat, banging malalim
Ilog na rumaragasa, dam na umaangil
Sirenang panawag sa paglikas natin.

Ikaapat na aral ni Ondoy at ni Pepeng
Na dapat na dapat, isabuhay natin:
Ating tutulang mahigpit at matining
Ang proyektong lalaspag sa kalikasan natin!

Huwag pabayaang magmina nang magmina
Huwag pabayaang gubat ay ipagahasa
Ipagtanggol ang tubig, hangin, at isla
Laban sa mapandambong na kapitalista!

Huling tagubilin nina Ondoy at Pepeng
Sa lahing Pilipinong piniste mandin:
Huwag pabayaang maghari ang sakim
Ugat ng demonyo’y putulin mandin!

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang “Na-Ondoy, Na-Pepeng” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan. Gustong ipahiwatig ng may akda ang mga aral na napulot noong kasagsagan ng bagyong Ondoy at Pepe. Una, huwag abusuhin ang kalikasan dahil ganti nito ay trahedya. ikalawa ay dapat itong tandaan. Ikatlo, dapat maging preparado at mapagmatyag sa nangyayari sa panahon. Ikaapat ay dapat tutulan ang mga proyektong nakakasira sa ating kalikasan.

Sa huli, ang pinakamalaking aral ng dalawang bagyo ay huwag pahintulutin maghari ang sakim at masasamang tao na wasakin ang kalikasan

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Na-Ondoy, Na-Pepeng” ay dapat ingatan ang Inang Kalikasan. Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito. Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang Na-Ondoy, Na-Pepeng” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Kalikasan. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment