Lumuha ang Inang Kalikasan

LUMUHA ANG INANG KALIKASAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “lumuha ang inang kalikasan.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na mula sa kay 19BlackDiamond86.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Lumuha ang Inang Kalikasan
Tula tungkol sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Lumuha ang Inang Kalikasan

Unti-unti nang mawawasak ang Inang Kalikasan
Ngunit tao’y tila walang pakialam
Luntiang kabundukan niya’y naglalaho
Kalikasan ngayo’y patuloy na naghihingalo.

Ang mga tao ngaba’y sadyang sakim?
Lahat ng yaman ay gustong maangkin
Mga ilog at karagata’y nalalason
Hangi’y nangingitim sa buga ng polusyon.

Kaliwa’t kanang trahedya ang nararanasan
Baha at landslide sa kalunsuran at kanayunan…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni 19BlackDiamond86

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Lumuha ang Inang Kalikasan”

Ang tulang pinamagatanglumuha ang inang kalikasanay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan.

Sa unti-unting pagkasira ng ating kalikasan, tila walang pakialam ang mga tao sa epekto nito. Ang mga sakuna tulad ng landslide at pagbaha ay senyales na lumuha ang kalikasan. Nagtatanong ang may akda kung kailan natin ito bibigyan ng pansin upang lumaya ang kalikasan.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “dapat ingatan ang Inang Kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang lumuha ang inang kalikasanay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment