Kalikasan : Isang Halimbawa Ng Tula

KALIKASAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “kalikasan.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na mula sa Filipino-tula.blogspot.com.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Kalikasan
Halimbawa Ng Isang Tula

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula.

Kalikasan

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw dito ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim…

Tula tungkol sa kalikasan na nagmula sa Filipino-tula.blogspot.com

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tula

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan. Inilalarawan ng may akda ang kagandahan nito na dapat alagaan.

Inilalarawan niya ang bundok, lambak, at ang hangin na tinuturing niya na yaman. Sa huli, sinasabi ng may akda na ang pagbabago ay hindi makakamtan kung ang kalikasan ay sisirain.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “dapat pangalagaan ang ating kapaligiran.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating inang kalikasan.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating kapaligiran. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment