Kalikasan Ating Gintong Yaman

KALIKASAN ATING GINTONG YAMAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “kalikasan ating gintong yaman.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Ronilo.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Kalikasan Ating Gintong Yaman
Kalikasan ating Gintong Yaman

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Kalikasan Ating Gintong Yaman

Kapaligiran natin Diyos nag-alay
Ito’y mahalagang bahagi ng buhay;
Sa mundong ito, lahat magkakaugnay
Biyayang bigay, buhay binigyang kulay.
Ito ay isang magandang kayamanan

Na dapat nating pagkaingat-ingatan;
Ang pundasyon ng ating kinabukasan
Ang ating mahal na Inang Kalikasan.
Pag-unlad nasa isip ng bawat isa

Inuuna Agham at Teknolohiya

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Ronilo

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Kalikasan ating Gintong Yaman”

Ang tulang pinamagatang “kalikasan ating gintong yaman” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan. Sinasabi sa tula na ang ating kapaligiran at isang yaman na binigay ng Diyos.

Dapat nating pagyamaninvat ingatan ito dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Kapag pinabayaan natin ang ating kalikasan, pinsala ang hatid nito at tayo’y mawawalan. Hiling ng may akda na magkaisa ang gobyerno at mamamayan sa pag-alaga ng ating likas na yaman,

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “dapat ingatan ang inang kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating inang kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang kalikasan ating gintong yaman” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment