Inang Kalikasan : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

INANG KALIKASAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “inang kalikasan.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Yong.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Inang Kalikasan
Inang Kalikasan : Isang Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Inang Kalikasan

Pahalagahan ang mga puno’t halaman
Bigyan atensyon ng mga pamahalaan
Makipag-kooperasyong ang mga mamamayan
Magkaisa nating isalba ang inang kalikasan.

Dahil tayo din ang makikinabang
Nakakalanghap ng sariwang hangin
Nakikinabang sa mga likas na yaman
Huwag nating hayaang masira ito!

Kapag pinabayaan ang inang kalikasan
Sakuna ang magdudulot niyan
Pollusyon, baha at unos ang pupuntahan
Pabago-bagong klima ang kinalalabasan…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Yong

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Inang Kalikasan”

Ang tulang pinamagatang “inang kalikasan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan. Sinasabi sa tula na pahalagahan ang kalikasan at iwasan ang mga gawain na nakakasama sa kanya.

Kung masisira ang ating kalikasan, tayo rin ang mahihirapan sa mga sakunang idudulot nito. Sa huli, sinasabi ng may akda na dapat isalba ang kalikasan para sa ating sarili at sa susunod pa na henerasyon.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “inang kalikasan” ay “dapat nating ingatan ang kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang inang kalikasan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment