Ikaw At Ang Kalikasan : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

IKAW AT ANG KALIKASAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “ikaw at ang kalikasan.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Hunyo.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Ikaw At Ang Kalikasan
Ikaw At Ang Kalikasan : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Ikaw at ang Kalikasan

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda
Buwan at araw ang ating saksi
Ikaw ang dulo, gitna at panimula
Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga
Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa

Bakas man ang pagod sa mga mata
Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan
Sa mga dahon na sumasayaw;
Sumasabay din ang bawat galaw
Nais kapang makilala

Gaya ng kalikasan
Unti-unting matutuklasan
Pag-ibig na gustong maasam
Dagat na walang katapusan
Sa init man o lamig
Ikaw lang ang sasamahan…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Hunyo

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Ikaw at ang Kalikasan”

Ang tulang pinamagatangikaw at ang kalikasanay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan.

Hinahangaan niya ang kalikasan sa angking kagandahan. Gusto niya itong makilala pa sa kabila ng mga pagsubok na hinahamak. Gusto niya itong protektahan at alagaan.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa ikaw at ang kalikasanay dapat ingatan ang inang kalikasan. Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang ikaw at ang kalikasanay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment