Gubat : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

GUBAT – Sa araling ito, matutunghayan natin ang isang tula tungkol sa kalikasan na pinamagatang “Gubat.” Ito ay isinulat ni Moises Santiago, na siguradong kakapulutan natin ng aral tungkol sa pag-aaruga sa ating kalikasan.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Gubat
Gubat : Isang halimbawa ng Tula tungkol sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Gubat

Malawak na dibdib
ng sangkalikasan
may pusong maliblib
ng kahiwagaan;
madawag sa tinik
ng kasiphayuan;
mababa, matarik
ang mga halaman;
may mahalumigmig
na himig ng buhay…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Moises Santiago

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Gubat”

Ang tula na pinamagatang “Gubat” ay isang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan. Inilalarawan ng tulang ito ang kagubatang parang may buhay. Ang gubat na tinutukoy niya ay napakaganda.

May mga iba’t ibang halaman at may napakalinis na batis. Meron ding tinatago na lagim sa gubat at hindi lahat ay maganda. Ito ang kagandahan ng ating kagubatan at ito ang buhay sa gubat.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “ingatan ang mga likas na yaman.” Ang ating kagubatan ay isang napakagandang likha ng Maykapal kaya dapat ingatan ito.

Summary

Ang tulang pinamagatang Gubatay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment