Ang Tunay na Sakit: Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

ANG TUNAY NA SAKIT – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “ang tunay na sakit.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Avon Adarna.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Ang Tunay na Sakit
Ang Tunay na Sakit: Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Ang Tunay na Sakit

I
Nakipagtagisan ang araw sa ulan,
Hindi patatalo sa luksong labanan,
Ang buwan at tala’y nanonood lamang
Sa dugong nanatak sa lupa ng bayan.

II
“Ang iyong panahon, lumipas na Araw!”,
Ang sabi ni Ulan at saka inagaw
Ang koronang tangan ng Haring papanaw
Tila basang sisiw – malat kung sumigaw.

III
“May araw ka rin, O Ulang tikatik…”,
Ang sabi ni Araw na ngiwi ang bibig,
Pinilit ginamot ang unday ng pait,
Upang makabawi sa lugmok na sakit…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Avon Adarna

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Ang Tunay na Sakit”

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan.

Sinasaad dito ang pagbabago ng panahon at ang epekto nito sa tao. Dahil dito, nakakaranas ng baha ang mga tao lalo na sa syudad. Sa gitna nito, ang dapat na sisihin ay ang mga tao na sumisira ng kalikasan.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “dapat ingatan ang inang kalikasan.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating inang kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang ang tunay na sakit” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment