Ang Kalikasan : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

ANG KALIKASAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “ang kalikasan.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na nagmula sa kay glyphzero.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Ang Kalikasan
Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula na ito.

Ang Kalikasan

Ang kalikasan ating pagkaingat-ingatan,
Dahil ito’y bigay ng kataas-taasan,
Mga puno na dapat pahalagahan,
Mga Hayop na dapat alagaan.

Hangin na pwedeng langhapin,
Mga Huni nito’ay makakapagkalma sa isip natin,
Kahit saan man tayo tumingin,
Ito’y regalo ng bathala sa atin.

Puno’t halaman yaman ng kagubatan,
Mga agos ng tubig ay maririnig…

Tula tungkol sa kalikasan na nagmula sa kay glyphzero

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Ang Kalikasan”

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kapaligiran. Sinasabi sa tula na ang ating kapaligiran ay isang yaman na binigay ng Diyos.

Dapat nating pagyamanin at ingatan ito dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Kapag pinabayaan natin ang ating kalikasan, pinsala ang hatid nito at tayo’y mawawalan. Hiling ng may akda na magkaisa ang gobyerno at mamamayan sa pag-alaga ng ating likas na yaman.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay “dapat pangalagaan natin ang aitng kapaligiran.” Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat natin itong alagaan.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating inang kalikasan.

Summary

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment