Alagaan ang Kapaligiran : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

ALAGAAN ANG KAPALIGIRAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tulang pinamagatang “alagaan ang kapaligiran.” Ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan na mula sa panitikanatbp.wordpress.com.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Tula Tungkol Sa Kalikasan - Alagaan ang Kapaligiran
Alagaan ang Kapaligiran : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Alagaan ang Kapaligiran

Mga biyaya ng Panginoon ay magaganda
Pinakamahalaga sa lahat ay ang kapaligiran
Ako’y may sasabihin bilang isang makata
Para sa hinaharap, dapat ito’y alagaan

Ang simoy ng hangin at mababangong bulaklak
Kung titignan, tayo’y siguradong magagalak
Ang matatayog na puno at luntiang halaman
Matuturing natin na likas na yaman

Dahil sa kalat at polusyon, ito’y nasisira
Ang mga daan ay napupuno ng basura…

Tula tungkol sa kalikasan na nagmula sa panitikanatbp.wordpress.com

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Alagaan ang Kapaligiran”

Ang tulang pinamagatang “alagaan ang kapaligiran” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kalikasan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kalikasan.

Nilalarawan ng may akda ang kagandahan ng kapaligiran. Dahil sa polusyon, nanganganib itong mawasak ng tuluyan. Hiling ng may akda ay magkaisa at isalba ang kalikasang bago ito tuluyang masira.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “alagaan ang kapaligiran” ay dapat ingatan ang Inang Kalikasan. Nag-iisa lamang ang mundo natin at dapat nating alagaan ito.

Dapat rin nating bantayan ang ating sarili at baguhin ang mga kaugalian natin na makakasama sa kalikasan. Sa kalagayan ng ating mundo ngayon sa aspetong pangkalikasan, kailangan na nating simulan ang pagbabago upang masagip ang ating Inang Kalikasan.

Summary

Ang tulang pinamagatang alagaan ang kapaligiran” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

1 thought on “Alagaan ang Kapaligiran : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan”

Leave a Comment