Tula Tungkol Sa Kalikasan – 25 Maikling Tula

TULA TUNGKOL SA KALIKASAN – Ngayon inyong matutunghayan ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan na nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Sana sa pamamagitan nitong mga tula sa kalikasan nawa ay maging inspirasyon natin ito sa pagmamahal at pangangalaga sa ating inang kalikasan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

25 Halimbawa Ng Maikling Tula Tungkol Sa Kalikasan

TULA TUNGKOL SA KALIKASAN 2021 - 25 HALIMBAWA NG MAIKLING TULA TUNGKOL SA KALIKASAN
TULA TUNGKOL SA KALIKASAN

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang tula sa kalikasan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

1. Paglalanggas

Sugat sa puso ni Inang Daigdig
Na dulot nang labis na pagkaganid
Mawawala lamang ang naknak at sakit
Kung lalanggasin ng pagkalinga’t pag-ibig.

Bawat pagmamalabis, bunga ay kakulangan;
Bawat pagkukulang, ariing kasalanan;
Walang hustisyang iginawad, nang walang babayaran…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Paglalanggas” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Paglalanggas ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

2. “Na-Ondoy, Na-Pepeng”

Bugtung-bugtong, anak ng pungapong
Aral ni Tandang Pepeng at Ondoy
Pakinggan, pakinggan, mga Ineng at Utoy
Upang tumalino sa susunod na panahon:

Unang aral na dapat matutunan
Hindi dapat ginagahasa si Inang Kalikasan
Sapagkat kapag nagbuntis ang sinapupunan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Na-Ondoy, Na-Pepeng” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangNa-Ondoy, Na-Pepeng ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

3. Tula Ng High School Para Sa Kalikasan

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Ng High School Para Sa Kalikasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Tula Ng High School Para Sa Kalikasan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

4. Ang Tunay na Sakit

I

Nakipagtagisan ang araw sa ulan,
Hindi patatalo sa luksong labanan,
Ang buwan at tala’y nanonood lamang
Sa dugong nanatak sa lupa ng bayan.

II
“Ang iyong panahon, lumipas na Araw!”,
Ang sabi ni Ulan at saka inagaw
Ang koronang tangan ng Haring papanaw…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Tunay Na Sakit” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Ang Tunay Na Sakit ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

5. Pag-ahon

Anong lakas mayroon ka, o Pinay/Pinoy?
Sa anumang hagupit ng buhay:
Hirap man o gutom, baha man o lindol
Epidemya man o pagguho ng burol—
Sa iyong pagkakalugmok agad kang bumabangon?

Anong anting-anting, pangontra’t orasyon
Ang mayroon ka, o lahing kung tawagin ay Pinoy?
Sa halip na magmukmok, buong buhay magbaoy—
Bukas ay ngingiti, bukas ay babango…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pag-ahon” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Pag-ahon ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

6. Trahedya

1.

Literal na paliligo sa dagat ng basura
Pagkaanod ng sariling bangkay
Sa rumaragasang ilog, bukal at sapa.

Ang tubig na noo’y bumubuhay
Sumisingasing, bumubugso, pumapatay
Uli-uling lumalamon sa sangkatauhan!

2.

Lupang pinagmulan ng lahi ni Adam
Lupang kayumangging biyaya ng buhay…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Trahedya” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Trahedya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

7. Tula tungkol sa KAPALIGIRAN

Napaka ganda ng ating kapaligiran
Kaya ito ay dapat nating pahalagahan
Alagaan at ingatan
Dahil nakakasilaw ang kagandahan ng ating kalikasan

Ang ating kapaligiran ay dapat pangalagaan
Ng dahil dito maraming taong dumadayo
Para lng mapag masdan ito…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula tungkol sa KAPALIGIRAN” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Tula tungkol sa KAPALIGIRAN ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

8. Alagaan Ang Kapaligiran

Mga biyaya ng Panginoon ay magaganda
Pinakamahalaga sa lahat ay ang kapaligiran
Ako’y may sasabihin bilang isang makata
Para sa hinaharap, dapat ito’y alagaan

Ang simoy ng hangin at mababangong bulaklak
Kung titignan, tayo’y siguradong magagalak
Ang matatayog na puno at luntiang halaman…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Alagaan Ang Kapaligiran” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Alagaan Ang Kapaligiran ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

9. Tubig, Tubig, Tubig

I

Ako’y tumungo sa banyo at nagbukas ng gripo,
Laking gulat ko sa aking harapa’y may kung ano!
Maitim, marumi at mabaho ang sumorpresa
Gripong aking hawak ay agad-agarang isinara.

II

O Diyos ko, ano ba ang nangyayaring ito!
Saan man ako magtungo ang nakikita ko’y pare-pareho.
Sa kusina, sa kapitbahay, maging sa mga gusali…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tubig, Tubig, Tubig” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Tubig, Tubig, Tubig ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

10. Puno at Ikaw

I

Nakalimutan mo na bang ako’y iyong itinanim
Nang minsan ikaw ay walang makain?
Kay tagal mong nag-intay ikaw man ay nainip
Panahon na lumipas ako’y di mo man lang sinilip.

II

Ako ay mag-isang lumalaki na ayon sa kapalaran,
Ikaw ay nainip, bumaling sa ibang halaman.
Hindi ko kaagad naihandog sayo ang aking prutas…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Puno At Ikaw” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Puno At Ikaw ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

11. Inang Kalikasan

Pahalagahan ang mga puno’t halaman
Bigyan atensyon ng mga pamahalaan
Makipag-kooperasyong ang mga mamamayan
Magkaisa nating isalba ang inang kalikasan.

Dahil tayo din ang makikinabang
Nakakalanghap ng sariwang hangin
Nakikinabang sa mga likas na yaman…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Inang Kalikasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Inang Kalikasan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

12. Tula Para Ky Inang Kalikasan

Ang ating kapaligiran ay pag masdan mo
Napakaganda nga n gating paraiso
Binibigay pangangailangan ng tao
Ating mundo’y sadyang nilikha na perpekto

Sagana sa tubig, malinaw at malinis
Sarap ng simo’y ng hang’y di maaalis
Iba’t ibang hayop sa berdeng kagubatan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Para Kay Inang Kalikasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Tula Para Kay Inang Kalikasan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

13. Kalikasan

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Kalikasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Kalikasan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

14. Kalikasan – Saan Ka Patungo?

Nakita ng buwan itong pagkasira,
Mundo’t kalisakasan ngayo’y giba-giba,
Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta,
Ang tubig – marumi, lutang ang basura.

Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,
Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,
At nakipagluhaan sa poong Maylalang,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Kalikasan – Saan Ka Patungo?” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Kalikasan – Saan Ka Patungo? ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

15. KALIKASAN ATING GINTONG YAMAN

Kapaligiran natin Diyos nag-alay
Ito’y mahalagang bahagi ng buhay;
Sa mundong ito, lahat magkakaugnay
Biyayang bigay, buhay binigyang kulay.
Ito ay isang magandang kayamanan

Na dapat nating pagkaingat-ingatan;
Ang pundasyon ng ating kinabukasan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “KALIKASAN ATING GINTONG YAMAN” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang KALIKASAN ATING GINTONG YAMAN ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

16. Ang Kalikasan

Ang kalikasan ating pagkaingat-ingatan,
Dahil ito’y bigay ng kataas-taasan,
Mga puno na dapat pahalagahan,
Mga Hayop na dapat alagaan.

Hangin na pwedeng langhapin,
Mga Huni nito’ay makakapagkalma sa isip natin,
Kahit saan man tayo tumingin,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Kalikasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Ang Kalikasan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

17. Lupa

Lupa, narito ang lupa!
ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad
na makapal ay iyong timbangin at madarama
mo ang buong sinukob. diyan nakatanim ang
ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing
ulan. batis ay dumaloy na tulad ng ahas
na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok. ang
halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang
sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw
sa maraming mata ang magandang tampok.
nag-iwan ng sugat ang maraming daan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Lupa” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Lupa ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

18. Sa Paglubog ng Araw

Nagbabagang bolang ginto’y gumugulong sa kanluran,
Dahan-dahan kung ibuyog sa maulap na hantungan;
Ang katalik na maghapon ay aayaw na paiwan,
Nakabuntot sa pag-isod mula roon sa silangan.

Kadilimang naghuhunab sa mababang panginori’y
Pasalunong sumusunson sa luhaang takipsilim;
Ang daluyong ay pataghoy kung humalik sa pampangin,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Sa Paglubog Ng Araw” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Sa Paglubog Ng Araw ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

19. Lumuha Ang Inang Kalikasan

Unti-unti nang mawawasak ang Inang Kalikasan
Ngunit tao’y tila walang pakialam
Luntiang kabundukan niya’y naglalaho
Kalikasan ngayo’y patuloy na naghihingalo.

Ang mga tao ngaba’y sadyang sakim?
Lahat ng yaman ay gustong maangkin
Mga ilog at karagata’y nalalason…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Lumuha Ang Inang Kalikasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Lumuha Ang Inang Kalikasan ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

20. Ikaw at ang kalikasan

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda
Buwan at araw ang ating saksi
Ikaw ang dulo, gitna at panimula
Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga
Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa

Bakas man ang pagod sa mga mata
Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan
Sa mga dahon na sumasayaw;
Sumasabay din ang bawat galaw…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ikaw At Ang Kalikasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Ikaw At Ang Kalikasan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

21. Salot ng Mundo

Sa hinagpis ni inang kalikasan
Tila tayo ngayo’y napaparusahan
Sa paglaganap ng epidemya na mahirap lunasan
Buong mundo ngayon ay nahihirapan

Sa kalamidad at krisis na ngayo’y ating hinaharap
Na napakasakit at sadyang masaklap
Sangkatauha’y  ngayon ay naghihirap…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Salot Ng Mundo” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Salot Ng Mundo ay isang halimbawa ng maikling mga tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

22. Gubat

Malawak na dibdib
ng sangkalikasan
may pusong maliblib
ng kahiwagaan;
madawag sa tinik
ng kasiphayuan;
mababa, matarik
ang mga halaman;
may mahalumigmig
na himig ng buhay.
May sapa at batis
na umaaliw-iw…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Gubat” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Gubat ay isang halimbawa ng maikling mga tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

23. Ulap

Dati akong panyo ng mahal na birhen
Na isinalalay sa pakpak ng anghel;
Maputi, malinis, maganda, maningning,
Ang lahat sa langit, nainggit sa akin.

At ako’y ginamit sa kung saan-saan,
Pamunas ng noo ni Bathalang mahal;
Kung gabi’y kulambo’t kung araw’y kanlungan,..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ulap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Ulap ay isang halimbawa ng maikling mga tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

24. SIYUDAD (City: Bones of the Jungles)

Dito sa Lungsod ng mga siksikang tren
sa umaga at sa gabi ng paglubog sa mga makinarya,
Ang sentro ng  pabrikang papel at usok, na buong bilis
sa inaliping katapatan at tapang
ay naninirahan palagi sa piling
ng mga madaming mga ipis at daga.

May nalilimutan na mahalaga tungkol
Sa tahimik na hele ng mga flourescent na ilaw, kaalwanan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “SIYUDAD (City: Bones of the Jungles)” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang SIYUDAD (City: Bones of the Jungles) ay isang halimbawa ng mga maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Isang Punungkahoy

Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Punongkahoy” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Isang Punongkahoy ay isang halimbawa ng mga maikling tula sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Summary

Ang kalikasan ang bumubuhay sa atin araw-araw. Ang kalikasan din ang nagbibigay sa atin ng pagkain pati na sa mga hayop. Kaya ang artikulong mga Tula Sa Kalikasan ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon na pahalagahan at mahalin ang ating Inang Kalikasan.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling tula sa kalikasan. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment