Tula Tungkol Sa Kaibigan: Tunay Na Kaibigan

TULA TUNGKOL SA KAIBIGAN – Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Tunay Na Kaibigan”. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan ay mula sa kay Semidoppel.

Ang mga tulang ito ay tungkol sa kaibigan. Isa sa pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay ang pagkakaibigan. Ang mga matapat na kaibigan ay laging nandiyan upang mapatawa ka kapag nalulungkot ka, hindi sila natatakot na tulungan kang maiwasan na magkamali, at palagi nilang hinahanap ang iyong pinakamahusay na interes. Sa tulang “Tunay Na Kaibigan”, makikita na ang ganitong uri ng kaibigan ay mahirap makita, ngunit sa sandaling natagpuan, nagbibigay sila ng isang bono na magtatagal sa buong buhay.

Tula tungkol sa Kaibigan - Tunay na Kaibigan
Tula tungkol sa Kaibigan – Tunay na Kaibigan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Kaibigan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan.

Tula Tungkol Sa Kaibigan: Tunay Na Kaibigan

At ito ang tula na pinapamagatang “Tunay Na Kaibigan”.

Sa dinami-rami ng tao sa mundo
Mahirap makahanap ng kaibigang totoo
Sa walong bilyon na nabubuhay na tao
Saan makakahanap ng tunay na katoto

Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay
Nung lumaon malalaman mo may iba palang pakay
Personal na dahilan ang kanyang mithiin
Mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang gagamitin.

Meron din naman akala mo’y kakampi
Siya ay kakampi kapag ika’y may katunggali
Pero wag ka sanang minsan ay magkamali
Baka isang araw wala na sa iyong tabi

Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari
Kapag kaharap ka’y maganda ang sinasabi
Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao
Sa likod mo ay kahol ng kahol na parang aso

Anu nga ba sa tingin ko ang tunay na kaibigan
Tingin ko madali lang natin iyan malalaman kaibigan
Tunay na kaibigan, laging nariyan
Sa oras ng ligaya o kalungkutan man.

Siyang kaibigan na hindi kailanman aalis
Magpapahid ng luha, aalisin ang iyong dungis
Sa iyong kahinaan ay sandigan ng lakas
Kasama mo sa problema hanggang ito ay malutas.

Ang isang kaibigan ay malawak ang tanaw
Suporta ay nariyan, laging nag-uumapaw
Gagabayan ka at hindi pababayaan
Ikaw ay aakayin, kasama mong tutungo sa paroroonan

Siyang kaibigan na hindi ka kukunsintihin
Kapag katangahan na ang iyong gawain
Tatapikin ka sa balikat upang iyong alalahanin
Hoy Tol! Gumising ka buhay mo ay wag sirain

Ito sa tingin ko ay ilan lamang na aspeto
Para malaman kung ang kaibigan ay totoo
Siyang kaibigan kung kailangan ay lilitaw
Hindi tulad ng anino na nariyan lang kapag may araw.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang Tunay Na Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang mga aspeto sa pagtingin ng isang tunay na kaibigan. Pinapaalala ng may akda na ang ibang kaibigan ay hindi totoo at baka sasaksakin ka lang sa likod. May mga kaibigan ka na gagamitin ka lang. Ito ang mga kaibigan na dapat iwasan.

Sa kabila nito, may mga kaibigan tayo na sasamahan ka sa hirap at saya. Sila yung tutulong na gumabay sa atin sa wastong daan.

Aral ng Tula

Ang “Tunay Na Kaibigan” ay halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan. Ang mga pag-uusap ay maaaring maikli at katahimikan, ngunit ang pagkakaibigan ay gumagawa ng pinakamagandang kanta sa buhay. Pahalagahan at mahalin natin ang mga tunay na kaibigan na nandiyan parati para sumuporta sa atin.

Summary

Ang tulang pinamagatang Tunay Na Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol Sa Kaibigan. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa ina i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment