Tatlong Lebel ng Kaibigan : Isang Tula Tungkol Sa Kaibigan

TATLONG LEBEL NG KAIBIGAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tula na pinamagatang “Tatlong Lebel ng Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan na isinulat ni Mark Ipil.

Isa sa pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay ang pagkakaibigan. Ang mga matapat na kaibigan ay laging nandiyan upang mapatawa ka kapag nalulungkot ka. Hindi sila natatakot na tulungan kang maiwasan na magkamali at palagi nilang hinahanap ang iyong pinakamahusay na interes.

Sa tulang “Tunay Na Kaibigan,” makikita na ang ganitong uri ng kaibigan ay mahirap makita, ngunit sa sandaling natagpuan, nagbibigay sila ng isang bono na magtatagal sa buong buhay.

Tula tungkol sa Kaibigan - Tatlong Lebel ng Kaibigan
Isang Tula Tungkol sa Kaibigan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan.

Tatlong Lebel ng Kaibigan

Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin,
Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin,
Isang bagay na tumuldok  sa aking naisin,
Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin.

Kaibigan, isang taong laging nandiyan,
Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman,..

Tula tungkol sa kaibigan na isinulat ni Mark Ipil

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Tatlong Lebel ng Kaibigan”

Ang tulang pinamagatang “Tatlong Lebel ng Kaibigan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang tatlong klaseng kaibigan.

Ang unang klase ng kaibigan ay isang taong minahal niya na higit pa sa kaibigan pero hanggang kabigan lang ang kayang ibigay niya. Ang ikalawa ay ang tunay na kaibigan na sasamahan ka sa hirap at kasiyahan. At ang ikatlo ay ang pekeng kaibigan na tinitira ka patalikod.

Aral ng Tula

Ang aral sa tulang ito ay dapat mag-ingat sa mga taong kakaibiganin mo. Hindi mo maiiwasang masaktan ngunit patatagin ang loob. Darating ang mga tamang taong magpapasaya sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Tatlong Lebel ng Kaibigan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment