Sana Kaibigan : Isang Tula Tungkol Sa Kaibigan

SANA KAIBIGAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tula na pinamagatang “Sana Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan na isinulat ni Maricel A. Dimaala.

Isa sa pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay ang pagkakaibigan. Ang mga matapat na kaibigan ay laging nandiyan upang mapatawa ka kapag nalulungkot ka, hindi sila natatakot na tulungan kang maiwasan na magkamali, at palagi nilang hinahanap ang iyong pinakamahusay na interes.

Sa tulang “Sana Kaibigan,” makikita na ang ganitong uri ng kaibigan ay mahirap makita, ngunit sa sandaling natagpuan, nagbibigay sila ng isang bono na magtatagal sa buong buhay.

Tula tungkol sa Kaibigan - Sana Kaibigan
Sana Kaibigan : Isang Tula Tungkol sa Kaibigan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan.

Sana Kaibigan

Naaalala mo ba?
Noong tayo’y unang nagkita
Kung saan ang isa’t isa ay di pa kilala
At ni isang simpleng ngiti ay di magawa.

Tingnan mo ngayon
Tayo’y sadyang kay saya
Aakalain mo bang tayo’y magiging magkaibigan pala?
Kaya’t maraming salamat at nakilala kita…

Tula tungkol sa kaibigan na isinulat ni Maricel A. Dimaala

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Sana Kaibigan”

Ang tulang pinamagatang Sana Kaibigan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan. Sa tulang ito, sinasaysay ng may akda ang kaligayahan niya kasama ang kanyang kaibigan.

Isinaysay niya ang kanilang mga pinagdaanan sa kanilang lugar. At ngayo’y aalis na sila dito at magkakahiwalay. Panalangin ng may akda na manatili ang kanilang pagkakaibigan kahit sila ay malayo sa isa’t isa.

Aral ng Tula

Ang mga pag-uusap ay maaaring maikli at katahimikan, ngunit ang pagkakaibigan ay gumagawa ng pinakamagandang kanta sa buhay. Pahalagahan at mahalin natin ang mga tunay na kaibigan na nandiyan parati para sumuporta sa atin.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Sana Kaibigan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na itoPara sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment