Tula Tungkol Sa Kaibigan: Kaibigan ng Kahapon

TULA TUNGKOL SA KAIBIGAN – Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Kaibigan ng Kahapon”. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan ay mula sa kay Euphoria mula sa hellopoetry.com.

Ang mga tulang ito ay tungkol sa kaibigan. Isa sa pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay ang pagkakaibigan. Ang mga matapat na kaibigan ay laging nandiyan upang mapatawa ka kapag nalulungkot ka, hindi sila natatakot na tulungan kang maiwasan na magkamali, at palagi nilang hinahanap ang iyong pinakamahusay na interes. Sa tulang “Kaibigan ng Kahapon”, makikita na ang ganitong uri ng kaibigan ay mahirap makita, ngunit sa sandaling natagpuan, nagbibigay sila ng isang bono na magtatagal sa buong buhay.

Tula tungkol sa Kaibigan - Kaibigan ng Kahapon
Tula tungkol sa Kaibigan – Kaibigan ng Kahapon

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Kaibigan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan.

Tula Tungkol Sa Kaibigan: Kaibigan ng Kahapon

At ito ang tula na pinapamagatang “Kaibigan ng Kahapon”.

Pagod na ko sa kakasulat.
Hindi ka naman ata namumulat
Sa sakit at hinagpis na iyong dala.
Na sa puso ko’y nagsisilbing bala.
Mapapatawad pa ba natin ang isa’t isa,
Sa mga sala nating nagawa na nagpatung-patong na?
Kailanman hindi ito napunta sa aking hinuha
Na tayo maiiwang may agwat at sirang-sira.
Kaibigan, ako sana’y patawarin
Sa pagpayag sa mga bagay na maaaring sumira satin.
Patawarin mo sana ang pusong nagmamahal
Na sumira sa pagkakaibigan nating kay tagal.
Nalulungkot, nasasaktan ang puso ko sa ideya
Na ang minsan kaibigan ay isang estranghero na.
Patawarin ako sa pagbibigay ng hinagpis
Sa iyong kaluluwang takot at puno ng pagtitiis.
Kaibigan, ito’y hindi pagmamalabis
Ang tanging hiling ko lang ay huwag kang tumangis
Sabihin mo lamang kung ika’y nasasaktan na
Huwag kang mag-alala, handa na kong iwan ka.
Kung ang pagkakaibigang ito ay hindi na masasalba
Sabihin mo lang, wag nang magdalawang isip pa
Dahil sa pagtakbo ng oras, lumalaki lamang ang lamat
Unti-unting nababasag, nasisira ng hindi naman dapat.
Kaibigan, sana’y sabihin mo
Kung gusto mo pa bang ipagpatuloy ito.
Pagkakaibigang puno ng tawanan
Nagapos ng pangakong walang iwanan.
Pagkaibigang pinahahalagahan
Hindi sinasadyang masira at mayurakan
Sa paglipas ng panahon
Nagbago na ang noon at ngayon
Ngunit umaasa pa rin ako
Na hanggang sa dulo’y magkaibigan pa rin tayo
Kaya pa ba natin patawarin ang isa’t isa gayong tila lumalayo ka na?

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang Kaibigan ng Kahapon ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang pagpapatawad sa kaniyang kaibigan na minahal niya. Dahil dito, nagkaroon sila ng mga di pagkakaintindihan. Ang tanging hiling ng may akda ay sabihin ng kanyang kaibigan kung ayaw niya na makipagkaibigan sa kanya at tutuparin niya ito. Alam naman ng may akda na siya ang may sala ngunit sa kabila nito umaasa pa rin siya na siya ay patawarin kahit lumalayo na sila sa isa’t isa.

Aral ng Tula

Ang “Kaibigan ng Kahapon” ay halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan. Ang aral sa tulang ito ay dapat intindihin ang sitwasyon ninyo. Kapag ang pagmamahal mo sa iyong kabigan ay higit pa sa inaasahan, aminin ito at pag-usapan niyo ng mabuti. Tanggapin at respetuhin ang desisyon niya. Mas mabuting maisalba niyo ang inyong pagkakaibigan. Pero kung ito’y malabo, tanggapin ang desisyon at magpatuloy sa inyong mga buhay.

Summary

Ang tulang pinamagatang Kaibigan ng Kahapon ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol Sa Kaibigan. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa ina i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment