Tula Tungkol Sa Kaibigan: KAIB-IGAN

TULA TUNGKOL SA KAIBIGAN – Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “KAIB-IGAN”. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan ay mula sa mywap.ph.

Ang mga tulang ito ay tungkol sa kaibigan. Isa sa pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay ang pagkakaibigan. Ang mga matapat na kaibigan ay laging nandiyan upang mapatawa ka kapag nalulungkot ka, hindi sila natatakot na tulungan kang maiwasan na magkamali, at palagi nilang hinahanap ang iyong pinakamahusay na interes. Sa tulang “KAIB-IGAN”, makikita na ang ganitong uri ng kaibigan ay mahirap makita, ngunit sa sandaling natagpuan, nagbibigay sila ng isang bono na magtatagal sa buong buhay.

Tula tungkol sa Kaibigan - KAIB-IGAN
Tula tungkol sa Kaibigan – KAIB-IGAN

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Kaibigan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan.

Tula Tungkol Sa Kaibigan: KAIB-IGAN

At ito ang tula na pinapamagatang “KAIB-IGAN”.

Mula pa nuong tayo ay bata
Lage na tayong magkasama
Kaya ang magkalayo tayo ay di ko inakala
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.

Kay lupet ng ating pagdadamayan
Sa pagbagsak ko ikay sinasandalan
Dahil di ka lang naging isang tunay na kaibigan
Kundi ay higit pa sa kapatid at minsa’y naging aking magulang.

Nagkaroon man ako ng bagong pamilya
Sa isip ko lagi kang gunita
Dahil kahit saan mang daku tayo magpunta
Dito sa puso ko ay laging andito ka.

Sa aki’y wala ka nang dapat pang patunayan
Dahil alam ko kahit noon pa man
Para sa aking kapakanan
Handa mong suongin pati kamatayan

Kaya eto nalang at aking tinatangis
Ang tindi ng aking pagkamiss
Kung wala ka may iniisip kong andito ka
Dahil ang makapiling ka’y lubos ko ligaya.

Kung sa kaibigan man ay mamimili ako
Alam mo namang ikaw ang pipiliin ko
Dahil ‘ika nga ni Dan Seal na aking idolo
“if I had only one friend left, I want it to be you.”

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang KAIB-IGAN ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda kung gaano ka importante ang kanyang kaibigan. Sa tula, sinasabi niya na ang kanyang kaibigan ay ang kanyang sandalan sa lahat ng problema. Ngayon na malayo sila sa isa’t isa, matindi ang pangungulila sa kanyang kaibigan na parang kapatid niya na.

Aral ng Tula

Ang “KAIB-IGAN” ay halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan. Sa tulang ito, dapat sulitin natin ang oras na mayroon tayo kasama ang ating mga kaibigan. Dadating ang panahaon na magkakahiwalay kayo ng landas. Ang importante ay mapadama niyo na tunay ang inyong pagkakaibigan, kayo man ay malapit o malayo sa isa’t isa.

Summary

Ang tulang pinamagatang KAIB-IGANay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol Sa Kaibigan. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa ina i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment