ANG NAKALIMOT NA KAIBIGAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tula na pinamagatang “Ang Nakalimot na Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan na nagmula sa hellopoetry.com.
Isa sa pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay ang pagkakaibigan. Ang mga matapat na kaibigan ay laging nandiyan upang mapatawa ka kapag nalulungkot ka. Hindi sila natatakot na tulungan kang maiwasan na magkamali at palagi nilang hinahanap ang iyong pinakamahusay na interes.
Sa tulang “Ang Nakalimot na Kaibigan,” makikita na ang ganitong uri ng kaibigan ay mahirap makita, ngunit sa sandaling natagpuan, nagbibigay sila ng isang bono na magtatagal sa buong buhay.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan.
Ang Nakalimot na Kaibigan
Dati, may isa akong matalik na kaibigan,
Mabait s’ya at siguradong maasahan.
Halos ng bagay aming napagkakasunduan.
At alam kong ‘di n’ya ako iniiwan.Ngunit may kakaibang nangyari,
Tula tungkol sa kaibigan na nagmula sa hellopoetry.com
Pinagpalit n’ya ako sa isang lalaki.
Lalaking nagpatibok ng kanyang puso,
Kaya’t ang sarili ko’y dinistansya ko…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang “Ang Nakalimot na Kaibigan”
Ang tulang pinamagatang “Ang Nakalimot na Kaibigan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan. Ang tulang ito ay tungkol sa kaibigan ng may akda na pinagpalit siya sa isang kasintahan. Sa tula, ikiniwento niya kung paano siya pinagpalit.
Nang nakatagpo ang kanyang kaibigan ng kasintahan, biglang nagkalamat ang kanilang pagkakaibigan. Dumistansiya na ang may akda at madalas na silang hindi magkaintindihan.
Sinanay ng may akda ang sarili na wala ang kanyang kaibigan at tuluyang inalis sa listahan. Hitsura nalang ang kanyang natatandaan sa kanyang kaibigan. Paalala ng may akda ay pumili ng kaibigan na di ka iiwan.
Aral ng Tula
Hindi lahat ng kaibigan mo ay mananatili sa tabi mo. Minsan, ika’y ipapagpapalit sa iba. Minsan naman, sadyang kinalimutan ka na.
Ngunit may kalungkutan, tandaan lagi na oras ang makakapagpakita sayo kung sino talaga ang mga tunay na kaibigan mo. Huwag manghinayang sa mga ito at maging masaya dahil nabawasan ang mga taong makakasakit sa iyong puso.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Ang Nakalimot na Kaibigan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!