Ang Aking Kaibigan : Isang Tula Tungkol Sa Kaibigan

ANG AKING KAIBIGAN – Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang tula na pinamagatang “Ang Aking Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan na isinulat ni Erika Ivy Cruz.

Isa sa pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay ang pagkakaibigan. Ang mga matapat na kaibigan ay laging nandiyan upang mapatawa ka kapag nalulungkot ka. Hindi sila natatakot na tulungan kang maiwasan na magkamali at palagi nilang hinahanap ang iyong pinakamahusay na interes.

Sa tulang “Ang Aking Kaibigan,” makikita na ang ganitong uri ng kaibigan ay mahirap makita, ngunit sa sandaling natagpuan, nagbibigay sila ng isang bono na magtatagal sa buong buhay.

Tula tungkol sa Kaibigan - Ang Aking Kaibigan
Isang Tula Tungkol sa Kaibigan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan.

Ang Aking Kaibigan

Ang aking mga kaibigan
Ay lagi kong maaasahan
Kasama ko kahit saan
Nagdadala ng kasiyahan.

Kapag ako ay may problema
Silay ay lagi kong kasama
Tulong nila’y lagi kong dama
Pagdamay ay laging kasama…

Tula tungkol sa kaibigan na isinulat ni Erika Ivy Cruz

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Ang Aking Kaibigan”

Ang tulang pinamagatang “Ang Aking Kaibigan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kaibigan. Sa tulang ito, ikinikwento ng may akda ang kanyang mga kaibigan. Silang magbabarkada ay karamay ang isa’t isa sa kasiyahan man o kalungkutan.

Sa mga problemang pinansyal o tungkol sa mga exam, sila ay nagtutulungan. Wala silang pakialam sa estado ng buhay ng kanilang mga kaibigan. Kahit iba-iba ang kanilang mga ugali, nagkakasundo pa rin sila. At kahit sila ay may minamahal, mahigpit pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Aral ng Tula

Ang mga pag-uusap ay maaaring maikli at katahimikan, ngunit ang pagkakaibigan ay gumagawa ng pinakamagandang kanta sa buhay. Pahalagahan at mahalin natin ang mga tunay na kaibigan na nandiyan parati para sumuporta sa atin.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Ang Aking Kaibigan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment