Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Maikling Tula Tungkol Sa Kaibigan

TULA TUNGKOL SA KAIBIGAN – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa kaibigan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa tunay na kaibigan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

Ang mga tula tungkol sa kaibigan ay nagpapakita ng pagmamahal ng isang kaibigan. Pinagpala kang maituturing kung hanggang sa pagtanda mo’y kasama mo parin ang mga kaibigan mong tunay. Sila ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at talaga namang biyaya ng Diyos na walang kapantay. Bagama’t ang mga tula tungko sa kaibigan ay nagpapakita ng mga masasaya at malulungkot na mga alaala ng mga manunulat na tiyak na kapupulutan natin ng aral.

Sana ang mga tula tungkol sa kaibigan ang magsilbing inspirasyon sa ating lahat na maghanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigan kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan na tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada)

Time needed: 10 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Tula Tungkol sa Kaibigan.

  1. Tula Para Sa Tropa (Graduation Poem)

  2. Barkada

  3. KAIB-IGAN

  4. Sana Kaibigan

  5. Matalik na Kaibigan

  6. Salamat

  7. Kaibigan

  8. Para sa Matalik Kong Kaibigan

  9. Kaibigang Tunay

  10. Ang Nakalimot na Kaibigan

  11. Ang Aking Kaibigan

  12. Tunay Na Kaibigan

  13. Tatlong Lebel ng Kaibigan

  14. Kaibigan ng Kahapon

Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021

TULA TUNGKOL SA KAIBIGAN 2021 - 14 HALIMBAWA NG TULA TUNGKOL SA KAIBIGAN
TULA TUNGKOL SA KAIBIGAN 2021 – 14 HALIMBAWA NG TULA TUNGKOL SA KAIBIGAN

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Kaibigan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa kaibigan.

Tula Para sa Tropa (Graduation Poem)

Ang tulang pinamagatang Tula Para sa Tropa (Graduation Poem) ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Ang High School sa akin ang pinakamasaya,
Dahil mga tunay na kaibigan, dito ko nakilala.
Sinamahan n’yo ako sa saya man o problema,
Hanggang sa huli nating pagsasama.

Tinuruan nyo ako ng mga bagay na dati’y di ko kaya,
Kaya ngayon mas gumaling akong magDotA.
At lalong tinuruan n’yo ako mga tropa,
Na sarili ko’y mas lalong makilala.

Tinuruan n’yo akong maging makapal ang muka.
Sa harap n’yo yata, lahat na ay aking nagawa.
Mag-imba face, pati na sa harap niyo ay mangulangot.
Kaya mga tropa tinuruan n’yo akong huwag matakot.

High School life man nati’y may wakas,
Saya naman nati’y mananatiling wagas.
Hindi pa dito natatapos ang ating pagsasama.
Dahil habangbuhay, kayo ay aking TROPA.

Ang tula tungkol sa kaibigan ay mula sa mahiwagangisip.wordpress.com.

Barkada

Ang tulang pinamagatang Barkada ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Mga kaibigang lagi kong kasama
pati magulang nami’y magkakilala
barkadang layunin ay hindi masama
pag-aaral ay ‘di binabalewala

tunay nga na sila’y aking kaibigan
sa saya at lungkot ay nagdadamayan
ni isa sa amin ay ‘di iniiwan
anong trip ng isa na trip na rin namin ‘yan

di maiiwasan ang mga tampuhan
ngunit inaayos di pinabayaan
may pa handshake-handshake pa kaming nalalaman
simbolo ng aming pagkakaibigan

mga alaala ng lagi naming dala
saan man kami dadalhin ni bathala
balang araw muli kaming magkikita
magsasaya gaya noong kami ay bata.

Ang tula tungkol sa kaibigan ay mula sa Facebook.com.

KAIB-IGAN

Ang tulang pinamagatang KAIB-IGAN ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Mula pa nuong tayo ay bata
Lage na tayong magkasama
Kaya ang magkalayo tayo ay di ko inakala
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.

Kay lupet ng ating pagdadamayan
Sa pagbagsak ko ikay sinasandalan
Dahil di ka lang naging isang tunay na kaibigan
Kundi ay higit pa sa kapatid at minsa’y naging aking magulang.

Nagkaroon man ako ng bagong pamilya
Sa isip ko lagi kang gunita
Dahil kahit saan mang daku tayo magpunta
Dito sa puso ko ay laging andito ka.

Sa aki’y wala ka nang dapat pang patunayan
Dahil alam ko kahit noon pa man
Para sa aking kapakanan
Handa mong suongin pati kamatayan

Kaya eto nalang at aking tinatangis
Ang tindi ng aking pagkamiss
Kung wala ka may iniisip kong andito ka
Dahil ang makapiling ka’y lubos ko ligaya.

Kung sa kaibigan man ay mamimili ako
Alam mo namang ikaw ang pipiliin ko
Dahil ‘ika nga ni Dan Seal na aking idolo
“if I had only one friend left, I want it to be you.”

Ang tula tungkol sa kaibigan ay mula sa mywap.ph.

Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021

Sana Kaibigan

Ang tulang pinamagatang Sana Kaibigan ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Naaalala mo ba?
Noong tayo’y unang nagkita
Kung saan ang isa’t isa ay di pa kilala
At ni isang simpleng ngiti ay di magawa.

Tingnan mo ngayon
Tayo’y sadyang kay saya
Aakalain mo bang tayo’y magiging magkaibigan pala?
Kaya’t maraming salamat at nakilala kita.

Tara at tayo’y alalahaninmga sandaling tayo’y magkasama
Mga araw ng lungkot at ligaya
Mga oras ng hindi pagkakasundo
Mga panahong tayo’y sadyang kay gugulo.

Sana’y hindi malilimutan
Ang ating pinagsamahan
Ito’y ating itago at pagyamanin
At minsan pa’y sabihing ika’y mahalaga sa akin.

Ito ang aking pangako
Na pinagsamahan nati’y hindi maglalaho
Mananatili ka sa puso
Panahon man ay magbago.

At iyo ring pahaalalahaning
Kung ika’y mayroong suliranin
Huwag mahihiyang lumapit sa akin
Ikaw ay tutuylungan at hindi bibiguin.

Bukas ay panibagong hamong ating haharapin
Bagong mga taong ating kikilalanin
Karagdagang kaalaman para sa tagumpay na nais kamtin
Ngunit huwag mong kalimutan na patu;oy akong alalahanin.

Ngayon tayo’y lilisan na sa lugar kung saan tayo’y nagkakilala
Ngunit huwag mangangamba alala’y di mawawala
Paligid lang ang nag-iiba
Subalit sa puso ko’y laging mananatili ka.

Tula tungkol sa kaibigan ni Maricel A. Dimaala

Matalik na Kaibigan

Ang tulang pinamagatang Matalik na Kaibigan ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Isang gabi ng kasiyahan
sa kaarawan ng isang kaibigan
ika’y naroon at aking nasilayan
at tayo’y nag-usap at nagkulitan

di nga nagtagal tayo’y naging magkaibigan
may samahan na tunay at hindi nag-iiwanan
sa dami ng mga problemang pinagdaanan
alam natin na pinagtitibay lang nito ang ating samahan

Sana samahan natin ay huwag mag-iba
dahil walang sino man sa atin ang makagigiba
kahit na tayong dalawa ay pawang magkaiba
ito’y isang paraan para punan ang kulang ng isa

ilang taon na ngayon ang lumipas
ang pagkakaibigan ay hindi pa din kupas
tanda lang ito na kahit man ang oras
ay hindi pwede humadlang sa samahang wagas.

Ang tula tungkol sa kaibigan ay mula sa croatoan09.blogspot.com 

SALAMAT

Ang tulang pinamagatang SALAMAT ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Ang tulang ito ay para sa kaibigan kong nasa tabi ko nung nasaktan ako.
Para sa kaibigang tinulungan kong makalimot.
Para sa kaibigang tinulungan kong mawala sa puso ang galit at puot.
Para sa kaibigang nasa tabi ko para maibsan ang kirot.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ka niya ipinagpalit.
Hindi kita masisisi kung ikay magagalit dahil
Hindi ko makita sa mukha mo ang bakas ng salitang “Pangit”
Pero isa lang ang masisiguro ko,
Baka bayag mo ay maliit.

Bitaw na kung ikay nakakapit pa
Bitaw na kung sa tingin mo may pagasa pa pero sa totoo lang ay wala na.
Bitaw na dahil kung hindi siya para sayo, may ibang babae jan na handa kang mahalin nang tapat at totoo
Bitaw na sa pag aakala mong babalik pa siya
Bitaw na dahil ayokong nakikitang nasasaktan ka.

Salamat sa mga masasayang alala kasama ka
Salamat sa mga panahong nandyan ka nung nasaktan ako
Salamat dahil kahit minsan nakakainis ka pinapatawa mo parin ako
Salamat sa pag aalaga at pag aaruga
Salamat, dahil nabuhay ka sa mundo para samahan ako sa hirap at sa ginhawa.
Salamat, mabuhay ka kapatid💖

Tula tungkol sa kaibigan ni jackienlee (46) mula sa steemit.com

Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021

KAIBIGAN (TULA)

Ang tulang pinamagatang KAIBIGAN (TULA) ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

“KAIBIGAN”
Nagsimula sa simpleng batian
Na naging kakwentuhan
Sa simpleng tawan
Na naging halakhakan
Sa simleng tulungan

Na naging damayan
Isang simpleng taong
Naging kaibigan
Bunga ng nabuong samahan
Na punong puno ng kaligayahan

KAIBIGAN,
Isang taong di mo sukat akalain
Na magiging kasangga mo sa buhay na iyong tatahakin
Taong asahan mo sa oras ng kalungkutan

Di ka magiisa’t pababayaan
Bagkus yayakapin ka’t dadamayan
At gagawin ang lahat mapaligaya ka lamang

Ako’y labis na pinagpala
Pagka’t ako’y nakatanggap ng isang dakilang biyaya
Mga pag-iyak ko’y naging pagtawa
Kalungkutan ko’y naging ligaya
At puso ko’y napuno ng galak at sigla
Buhat ng kaibigan aking kasama

KAIBIGAN,
Taong naging inspirasyon ko
Sa patuloy na pagharap sa buhay
Taong naging malaking parte at dahilan
Sa kung ano at sino ako sa oras na to
Isang biyayang saan man ako mapadpad
Ano man ang mangyari hinding hindi
Makakaligtaan at mawawala sa aking puso’t isipan

Pagkat ang kaibigan
Ang taong nagmamahalsayo ng walang sukatan,
Taong tanggap kung sino at ano ka man
At natatanging taong di ka iiwan magpakailanman.

Tula tungkol sa kaibigan ni dreanic mula sa wattpad.com.

Para sa Matalik kong Kaibigan

Ang tulang pinamagatang Para sa Matalik kong Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Tandang tanda ko pa
Tayo’y mga bata pa
Parating nagaaway
Sa mga simpleng bagay.

Hindi ko sukat akalain
Ika’y aking kakaibiganin
Noo’y aking kaaway
Ngayong kaibigang tunay.

Sa araw araw na magkakasama
Buti di tayo nagsasawa
Napagkakamalan pa nga minsan
Tayo daw ay magpinsan.

Hindi kita makakalimutan
Matalik kong kaibigan
Masaya akong ika’y nakilala
Sana ito’y panghabang buhay na.

Simpleng pasasalamat sayo
Ang tula na ito
Sana magustuhan mo
Ang ginawa ko.

Tula tungko sa kaibigan ni Quenie Q. Claro.

Kaibigang Tunay

Ang tulang pinamagatang Kaibigang Tunay ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Tanggapin mo ito,
Aking kaibigan;
Ito ang damay ko
Sa ‘yong kalungkutan.

Di ito Salapi,
Hindi kagamitan;
Ito’y aking mithi
Na ikaw’y damayan.

Sa iyong pagluha,
Ako’y naninimdim;
Iyong pagdurusa
Nais kong angkinin.

Kaya, kaibigan,
Ito’y tanggapin mo –
Tapat na pagdamay
Ng abang puso ko.

Ang tula tungkol sa kaibigan ay mula sa pinoyedition.com.

Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021

Ang Nakalimot na Kaibigan

Ang tulang pinamagatang Ang Nakalimot na Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Dati, may isa akong matalik na kaibigan,
Mabait s’ya at siguradong maasahan.
Halos ng bagay aming napagkakasunduan.
At alam kong ‘di n’ya ako iniiwan.

Ngunit may kakaibang nangyari,
Pinagpalit n’ya ako sa isang lalaki.
Lalaking nagpatibok ng kanyang puso,
Kaya’t ang sarili ko’y dinistansya ko.

Nagkaroon ng lamat ang aming pagkakaibigan
Madalas na kaming hindi nagpapansinan,
At madalas na rin kaming hindi nagkakaintindihan.
Anong nangyari sa amin? Anong nangyari sa’king kaibigan?

Siya’y masaya na sa kanyang kasintahan,
Habang ako’y tuluyan na n’yang iniwanan.
Nagpagpasyahan kong s’ya rin ay kalimutan,
At sa listahan ng aking kaibigan siya’y aking inekisan.

Sinanay ko ang aking sarili,
Sinanay kong wala na s’ya sa buhay ko.
Sinanay kong wala na s’ya sa sistema ko.
Sinanay ko kasi alam kong mas makakabuti ito.

Maaaring kilala ko s’ya sa pangalan,
Pero ibang-iba na ang kanyang katauhan.
Kaya kayo, pumili kayo ng maaasahang kaibigan,
‘Yung hindi kayo makakalimutan kailanman.

Ang tula tungkol sa kaibigan ay mula sa hellopoetry.com.

Ang aking Kaibigan

Ang tulang pinamagatang Ang aking Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Ang aking mga kaibigan
Ay lagi kong maaasahan
Kasama ko kahit saan
Nagdadala ng kasiyahan.

Kapag ako ay may problema
Silay ay lagi kong kasama
Tulong nila’y lagi kong dama
Pagdamay ay laging kasama.

Tanggap naming ang bawat isa
Kahit walang laman ang bulsa
Sa bawat isa ay umaasa
Pag-susulit ay lagging pasa.

Ang ugali man ay iba-iba
Kami’y komportable, walang kaba
Estado’y mataas o mababa
Kami’y walang pag-kakaiba.

Kanya-kanya man ng minamahal
Magkakasama sa pagpasyal
Kahit kami’y hindi sosyal
Ang bawat isa’y aming mahal.

Tula tungkol sa kaibigan ni Erika Ivy Cruz.

Tunay na Kaibigan

Ang tulang pinamagatang Tunay na Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Sa dinami-rami ng tao sa mundo
Mahirap makahanap ng kaibigang totoo
Sa walong bilyon na nabubuhay na tao
Saan makakahanap ng tunay na katoto

Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay
Nung lumaon malalaman mo may iba palang pakay
Personal na dahilan ang kanyang mithiin
Mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang gagamitin.

Meron din naman akala mo’y kakampi
Siya ay kakampi kapag ika’y may katunggali
Pero wag ka sanang minsan ay magkamali
Baka isang araw wala na sa iyong tabi

Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari
Kapag kaharap ka’y maganda ang sinasabi
Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao
Sa likod mo ay kahol ng kahol na parang aso

Anu nga ba sa tingin ko ang tunay na kaibigan
Tingin ko madali lang natin iyan malalaman kaibigan
Tunay na kaibigan, laging nariyan
Sa oras ng ligaya o kalungkutan man.

Siyang kaibigan na hindi kailanman aalis
Magpapahid ng luha, aalisin ang iyong dungis
Sa iyong kahinaan ay sandigan ng lakas
Kasama mo sa problema hanggang ito ay malutas.

Ang isang kaibigan ay malawak ang tanaw
Suporta ay nariyan, laging nag-uumapaw
Gagabayan ka at hindi pababayaan
Ikaw ay aakayin, kasama mong tutungo sa paroroonan

Siyang kaibigan na hindi ka kukunsintihin
Kapag katangahan na ang iyong gawain
Tatapikin ka sa balikat upang iyong alalahanin
Hoy Tol! Gumising ka buhay mo ay wag sirain

Ito sa tingin ko ay ilan lamang na aspeto
Para malaman kung ang kaibigan ay totoo
Siyang kaibigan kung kailangan ay lilitaw
Hindi tulad ng anino na nariyan lang kapag may araw.

Tula tungkol sa kaibigan ni Semidoppel.

Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021

TATLONG LEBEL NG KAIBIGAN.

Ang tulang pinamagatang TATLONG LEBEL NG KAIBIGAN ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin,
Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin,
Isang bagay na tumuldok  sa aking naisin,
Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin.

Kaibigan, isang taong laging nandiyan,
Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman,
Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan,
Hindi ka matiis kahit mapunta  saanman.

Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway,
Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway,
Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away,
Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.

Tula tungkol sa kaibigan ni Mark Ipil mula sa hellopoetry.com.

Kaibigan ng Kahapon

Ang tulang pinamagatang Kaibigan ng Kahapon ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Pagod na ko sa kakasulat.
Hindi ka naman ata namumulat
Sa sakit at hinagpis na iyong dala.
Na sa puso ko’y nagsisilbing bala.
Mapapatawad pa ba natin ang isa’t isa,
Sa mga sala nating nagawa na nagpatung-patong na?
Kailanman hindi ito napunta sa aking hinuha
Na tayo maiiwang may agwat at sirang-sira.
Kaibigan, ako sana’y patawarin
Sa pagpayag sa mga bagay na maaaring sumira satin.
Patawarin mo sana ang pusong nagmamahal
Na sumira sa pagkakaibigan nating kay tagal.
Nalulungkot, nasasaktan ang puso ko sa ideya
Na ang minsan kaibigan ay isang estranghero na.
Patawarin ako sa pagbibigay ng hinagpis
Sa iyong kaluluwang takot at puno ng pagtitiis.
Kaibigan, ito’y hindi pagmamalabis
Ang tanging hiling ko lang ay huwag kang tumangis
Sabihin mo lamang kung ika’y nasasaktan na
Huwag kang mag-alala, handa na kong iwan ka.
Kung ang pagkakaibigang ito ay hindi na masasalba
Sabihin mo lang, wag nang magdalawang isip pa
Dahil sa pagtakbo ng oras, lumalaki lamang ang lamat
Unti-unting nababasag, nasisira ng hindi naman dapat.
Kaibigan, sana’y sabihin mo
Kung gusto mo pa bang ipagpatuloy ito.
Pagkakaibigang puno ng tawanan
Nagapos ng pangakong walang iwanan.
Pagkaibigang pinahahalagahan
Hindi sinasadyang masira at mayurakan
Sa paglipas ng panahon
Nagbago na ang noon at ngayon
Ngunit umaasa pa rin ako
Na hanggang sa dulo’y magkaibigan pa rin tayo
Kaya pa ba natin patawarin ang isa’t isa gayong tila lumalayo ka na?

Tula tungkol sa kaibigan ni Euphoria mula sa hellopoetry.com.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Summary of Tula Tungkol Sa Kaibigan 2021

Kaibigan ang tawag sa mga taong kasa-kasama natin sa pag-iyak at sa tawanaan. Masarap silang kakwentuhan at kahit pa sa mga kalokohan. Sila ang isa sa mga magandang regalo ng Diyos para sa atin. Kaya ang artikulong Tula Tungkol Sa barkada, friends o tropa natin ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang pasalamatan at mahalin ang ating mga kaibigan.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong maikling tula tungkol sa barkada, friends o tropa natin. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Tula Tungkol Sa Kaibigan – 16 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment