Tula Tungkol Sa Ina – 16 Maikling Tula

TULA TUNGKOL SA INA – Tunghayan ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa kadakilaan at pagmamahal ng isang dakilang ina ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

Ang mga tula tungkol sa ina ay nagpapakita ng pagmamahal ng isang ilaw ng tahanan. Hindi biro ang ginagampanang papel ng isang ina loob ng bahay. Sila ang ilaw at gabay na siyang daan upang makamit natin ang ating mga mithiin sa buhay. Ang mga ina rin ang nagbigay ng walang katumbas na pagmamahal sa atin mula ng tayo’y isinilang hanggang sa lumaki. Bagama’t ang mga tula para sa ina ay sadyang nagpapakita ng walang humpay na pasasalamat sa mga ina na nagsakripisyo at nag-aruga atin ng walang kapalit.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

16 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kadakilaan ng Isang Ina

TULA TUNGKOL SA INA 2021 - 16 HALIMBAWA NG TULA TUNGKOL SA INA
TULA TUNGKOL SA INA

1. Para sa Iyo, Inay

21 years ago, ito ay aking kinompose
Ipinahayag ang damdamin sa inang ang pagmamahal ay lubos
Nag-uumapaw na damdamin at paghangang sa puso ay taos
Sa katangi-tanging babaeng sa ami’y bigay ng Diyos:
___________________

Ang pagiging ina ay napakadakila
Karamihan ng babae’y ito ang inaadhika
Talagang maituturing na isang biyaya
Tungkulin at pagkakataong bigay ng Maylikha.

Ang aming inang si HERMINIA, a.k.a….Hermie
Sinuwerteng makatanggap ng biyayang nasabi
Nagluwal sa mundo ng apat na babae…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Para sa Iyo, Inay” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangPara sa Iyo, Inay” ni Marilou H. Anila ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

2. Maligayan Kaarawan Aking Ina!

Maligayang kaarawan sayo aking ina,
Sana ngayong araw ikaw ay maging masaya.
Mga problema ay wag munang isipin,
Dahil ngayon ika’y aming pasasayahin.

Una sa lahat nais kong mag pasalamat,
Sa pag agapay sa amin mula nung isilang.
Sa pagtugon sa aming mga pangangailangan,
Sa pag tanggap sa amin mula sa kamalian.

Kayo ay maituturing na isang DAKILA,
Hindi lang dakilang ina kundi dakilang lola…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Maligayan Kaarawan Aking Ina!” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangMaligayan Kaarawan Aking Ina!” ni Luisa ay isang halimbawa ng tula sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

3. Dakilang Ina

Salamat kay Nanay
Lagi lang nakaalalay
Mula pagkabata’y
Hawak mo aking mga kamay

Idolo kita
Pagkat ika’y dakila
Hindi ka man perpekto
Busilak naman ang puso mo

Sa mga panahong nagagalit ka
Ako’y sobrang nakokonsensya
Gustong-gusto kitang yakapin
Pero alam mong ako’y sobrang mahiyain

Sugat na aking natatamo
Malaki man, o maliit ito
Agad mong ginagamot…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Dakilang Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangDakilang Ina” ni IAmCherryPie ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

4. Ina

Isang babae na masaya sa pagka-dalaga,
Pero pinili pa din gumawa ng sariling pamilya,
May asawa man o wala,
Ipapakita nilang kaya nila,

Ang nagdala ng siyam na buwan,
Hirap dahil sa laki ng tiyan,
Ok lang kahit lumubo ang katawan,
Maging malusog lang ang nasa kanyang sinapupunan,

Sabi nila ang isang paa ay nasa hukay,
Pipilitin nya maipakita ang bagong buhay,
Senyales ang iyak na maingay,
Na andyan na ang matagal ng inaantay,

Pinalaki at tinuruan,
Pinag aral at binihisan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Ina” ni missy.k. ay isang halimbawa ng tula sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

5. Alaala ng Aking Ina

O’ irog kong inang tanging sinisinta
Daghing pagyao mo’y nagbibigay-dusa;
Sa abang puso kong sa yo’y nagmamahal;
Sa kaisipan koy laging nakakintal.

Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,
Hindi matanggap ang dagli noong pag-alis;
Pag-aarugay mo’y hinaharap pa rin;
Nang mahal mong anak puno ng panimdim.

Nagdaang kahapong laging nasa isip,
Mga pangaral mo’y puno ng pag-ibig;
Minsa’y kagalitan, munting pagkamali…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Alaala Ng Aking Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Alaala Ng Aking Ina” ni Rose J. Bunga ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

6. Ang Aking Ina

Aking ina sa akin ay bumuhay

Katuwang ko siya sa lahat ng bagay

Sa lahat ng oras ay aking karamay

Sinakripisyo ang lahat upang ako ay magtagumpay

Simula ng ako’y kanyang ipanganak

Hindi hinahayaang ako’y laging umiiyak

At kapag ako’y sumasali sa mga patimpalak

Lagi niyang sinasabing ‘Kaya mo yan Anak!’

Sa tuwi-tuwina ako’y nagagalak…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Aking Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Ang Aking Ina” ni PrincessRoselle319 ay isang halimbawa ng tula sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

7. Para Sayo Nanay

Nanay, mama, mommy
Anumang itawag sa kanila
Hindi matatawaran
kanilang pag-aalaga

Pag-aaruga’t pagmamahal
Sa ami’y ipinaranas
Iyon ang aking ina
At wala ng iba

Lahat ay tiniis
Kahit pa nasasaktan
Sa aming kakulitan
Minsa’y napapaluha

Bilib ako sa nanay ko
Dahil kahit kami’y magugulo
Pasensya nya’y…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Para Sayo Nanay” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Para Sayo Nanay” ni Ms. Estrelita Vargas ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

8. Siya na Aking Ina

Siya na nagluwal sa akin
Na umantabay sa aking kamusmusan
Siya na nagmahal sa akin
Ng wagas at walang alinlangan.

Siya na nagbigay buhay sa akin
Handang ialay buo niyang sarili
Siya na palaging nakabantay sa akin
Na nagpakasakit sa aking paglaki.

Siya na naghihintay sa akin
Sa gabi, sa alanganing oras na pag-uwi
Siya na nagbibigay lakas sa akin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Siya na Aking Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang Siya na Aking Ina ay isang halimbawa ng maikling tula sa pagmamahal ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

9. Patawad… Hindi ko Alam

Patawad, o aking Ina,
kung ako ay hindi pinayagang Makita ka.
Patawad, o aking Ina,
sa maraming taong sa aki’y nawalay ka.

Kung alam ko lang kung saan ka hahanapin,
Kung alam ko lang na malapit ka lang sa ‘kin,
Kung alam ko lang na kung saan ka susunduin,
Nakita pa sana kita at nahagkan bago ka inilibing.

Patawad, o aking Ina,
dahil hindi mo nasilayan ang panganay mo.
Patawad, o aking Ina…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Patawad… Hindi ko Alam” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Patawad… Hindi ko Alam” ni Eugene ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa dakilang ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

10. Pag-ibig ng Ina

Ang puso ni ina’y kaban ng paglingap,
May dalawang tibok na karapat-dapat,
Ang isa’y kay ama, kay amang mapalad
At ang isa nama’y sa amin nalagak.

Noong nabubuhay ang ina kong irog
Ang kanyang pagkasi’y samyo ng kampupot,
Ang lakas ng puso’y parang nag-uutos
Na ako, kaylan ma’y huwag matatakot…

Pagibig ni ina ang siyang yumari
Ng magandang bahay na kahilihili…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pag-ibig ng Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Pag-ibig ng Ina” ni Pascual de Leon ay isang halimbawa ng maikling tula sa dakilang ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

11. Ang Halik ni Ina

Ang mata ni ina’y bukalan ng~ luha
Kung may dala-dalang damdamin at awa,
Ang lahi ni ina’y sampagang sariwa
Na may laging laang halik at kaling~a.

Sa halik ni Ina ay doon nalagas
Ang tinik at bulo ng~ musmos kong palad,
Sa halik ni ina’y aking napagmalas
Na ako’y tao na’t dapat makilamas.

Ang bibig ni inang bibig ng~ sampaga’y
Bibig na sinipi kina Clara’t Sisa…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Halik ni Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatang “Ang Halik ni Ina” ni Pascual de Leon ay isang halimbawa ng maikling tula sa dakilang ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

12. Tula Para kay Ina

Inang nagbigay ng aking buhay
Pagmamahal ko sayo’y iaalay
Kailan ma’y di kalilimotan
Pangaral mo na dapat tandan

Panahon ay di na sapat.
Para sabihin sa ‘yo ang lahat.
Ang pagmamahal mong walang katapat.
Pagmamahal ko sayo’y ikaw lang ang karapat-dapat.

Nang ika’y namatay
Puso ko’y nalulumbay
Hindi ko alam kung ano ang gagawin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Para kay Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangTula Para kay Inani Mike477 ay isang halimbawa ng maikling tula sa kadakilaan ng isang ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

13. Sa Pusod Mo Aking Ina

Unang tibok
Unang pintig
Nagmula sa iyong
Walang bahid

Hindi alintana
Kung gaano kasakit
Mailabas lang ako
Malakas man ang iyong impit

Inalagaan mo
Bawat saglit
Hanggang sa marining…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Sa Pusod Mo Aking Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangSa Pusod Mo Aking Inani Francis Morilao ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa dakilang ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

14. Kay Inay

Sa aking kamusmusang balot ng kalungkutang iniwanan ni Itay,
Sa mulat kong paningi’y naiwanan ang latay na naumang kay Inay;
Labing-anim na matang ipinauunawa’y lantay na pagmamahal,
Ang kanyang kinapiling sa pakikipaghamok sa kinaparoonan!

May aninaw ng dilim ang wisik ng siphayong sa puso ay pangwindang,
Na kanyang katuusan upang ang mga bunso sa aral ay tustusan;
Ito’y mga gawing di malirip ng diwa’t di mabata ng laman ngunit magpapayabong
Ng walong pintig buhay at walong kaisipan.

Haba ngang nagtatagal ay lalong bumibigat iyang mga dalahin
Nitong mahal kong Inang may matibay na dibdib sa dusa at tiisin;
At iyang mga supling na kulang pa ang malay ay kung pakaisipin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Kay Inay” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangKay Inay” ni Emelita Perez Baes ay isang halimbawa ng maikling tula sa dakilang ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

15. Isang Tula Para Kay Nanay

Ako ngayon ay ako sapagkat binigyan ako ng Diyos ng isang nanay
Isang ina na tunay na makalinga at mapagbigay
Tinuruan mo ako kung paano mabuhay
Kaya ngayon nais kong sabihin, MAHAL KITA INAY.

Maraming Salamat sa mga ginawa mo para sa akin
Inalagaan mo ako lalo nung ako ay naging sakitin
Ramdam ko ngayon kung paano ang sakit na iyong kinimkim
Maraming Salamat Inay, sa’yong sobrang malasakit sa akin

Ngunit alam ko rin na marami akong nagawa na mahirap patawarin
Sa kabila ng iyong pagmamahal sa akin
Ako ay naging pasanin ngunit ito ay di mo pinakita sa akin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Tula Para Kay Nanay” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangIsang Tula Para Kay Nanayni Pastor Joseph ay isang halimbawa ng maikling tula sa dakilang ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

16. Salamat Ina

Bente kwatro oras ang kilos
Mga gawain na tila’ di natatapos
Pagtitimpi na hindi nauubos
Ano pa mahal kong Ina ang kaya **** ibuhos?

Hindi ka ba napapagod?
Araw-araw kang kumakayod
Walang day off, walang bonus, walang sahod.
Hindi ba nanghihina ang iyong mga tuhod?

Tinanggap mo ang pagiging ina
Kahit sa mga anak mo’y ikaw ay balewala.
Pagkaing isusubo na lang, ibinigay mo pa,
Sa bawat hakbang nila hindi ka nawala.

Tinanggap mo ang pagiging kahalili
Inalay sa’yong asawa ang buong sarili…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Salamat Ina” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ang tulang pinamagatangSalamat Inani princessninann ay isang halimbawa ng maikling tula sa dakilang ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary

Ina ang tawag sa taong nagluwal at nagpamulat sa atin dito sa mundo. Sila ang pinakamagandang regalo ng Diyos para sa atin. Sila rin ang nagbigay ng lungkot at saya sa ating mga labi. Kaya ang artikulong Tula Tungkol Sa Ina ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang pasalamatan at mahalin ang ating ina.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment