TITSER, TITSER – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Titser! Titser!” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Louie Andres.
Ang tula na ito ay tungkol sa dakilang guro na ginagawa ang lahat para sa kaniyang mga estudyante. Ngunit sina Ma’am at Sir ay nakakarandam din ng pagod at kawalan ng inspirasyon. Ang tula tungkol sa dakilang guro na ito ay isang katanungan kung ipapagpatuloy pa ba niya ang pagiging guro.

Titser! Titser!
Bakit parang di na ako natutuwa,
sa propesyong kinuha?
Ang hangad ko lamang ay makapagbigay-talino,
pero bakit parang sobra na ang pagod ko?Isang dakilang larangan daw ang maging guro.
Dapat ay may alam ka sa paksa,
pati kilos at sinasabi mo’y dapat tumutugma.
Mag-submit din ng mga papel na naaakma.Apat na taon sa kolehiyo ang tutugunan
Tula tungkol sa guro na isinulat ni Louie Andres
May masters pa at PhD na dapat ding makamtan…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Titser!
Sinasabi sa tula ang pagdadalawang isip ng isang guro. Dahil sa hirap at mga sakripisyo niya na mas malaki pa sa kanyang sahod, napadalawang isip siya sa kanyang propesyon.
Sa kanyang nararamdaman, nandiyan naman ang kanyang mga colleagues na handang umagapay. Ngunit, tinitingnan rin niya ang posibilidad na mangibang-bansa.
Aral ng Tula
Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay ang maging matatag sa buhay. Maraming mahirap na desisyon ang ating haharapin. Sa kabila nito, maging matatag lamang at kapit sa Panginoon upang makamit ang kapayapaan sa buhay.
Summary
Ang tulang ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan at nakuhang aral sa tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming mga halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!