Super Hero ng Buhay Ko : Isang Tula Tungkol Sa Guro

SUPER HERO NG BUHAY KO – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Super Hero ng Buhay Ko.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Raymond Nachor.

Ang tulang ito ay tungkol sa dakilang guro na ginagawa ang lahat para sa kaniyang mga estudyante. Sinasaad dito na pinapahalagahan ng isang studyante ang mga ginagawa nila ni Ma’am at Sir.

Ito ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga titser na gawin ang kanilang makakaya dahil na-appreciate ito ng mga estudyante.

Tula Tungkol sa Guro-Super hero ng buhay ko
Isang Tula Tungkol Sa Guro

Super Hero ng Buhay Ko

Masaya…
Karamay…
Sandigan…
Gurong Maasahan…

Tama ikaw…
Ang aking ilaw…
Ilaw na patnubay…
Ikaw ang aking kaagapay…

Tula tungkol sa guro na isinulat ni Raymond Nachor

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Super Hero ng Buhay Ko

Sinasabi niya sa tula tungkol sa kanyang guro na hangang hanga siya sa kakayahan nito. Ang guro ay maaasahan at sandigan ng mga estudyante sa anumang bagay.

Sila rin ang nagbibigay ng gabay sa mga estudyante para makamit ang kanilang pangarap. Dahil sa kanilang mga taglay na katangian bilang guro, karapatdapat lang na sila ay pangalanang “Super Hero”.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay ipagpatuloy lamang ang pagiging ikalawang magulang sa inyong mga studyante. Dahil sa pagdating ng panahon ay babalik din ang kabutihan na naidulot ninyo sa kanila.

Para sa mata ng mga estudyante, ang maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na ito ay nagbibigay ng leksyon na dapat pinapahalagahan ninyo ang ginagawa ng mga guro ninyo dahil para ito sa inyong kinabukasan. Maging mabait at masunurin sa mga guro.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Super Hero ng Buhay Ko!” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment