SALAMAT GURO SALAMAT – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Salamat Guro! Salamat.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Ivy Varilla.
Ang tulang ito ay tungkol sa dakilang guro na ginagawa ang lahat para sa kaniyang mga estudyante. Sinasaad dito ang matinding pasasalamat niya kina Ma’am at Sir.
Ang tula tungkol sa dakilang guro na ito ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga titser na gawin ang kanilang makakaya dahil na-appreciate ito ng mga estudyante.

Salamat Guro! Salamat
A, Ba, Ka, Da.. Banggit sa umpisa
Nakaturo sa mga letra na nasa pisara
Habang naktingin sa’ming munting mata
Na para bang laging may hatid na pag-asa.Ikaw o Guro..pangalawang ama’t ina
Tula tungkol sa guro na isinulat ni Ivy Varilla
Kapag nasa inyong tabi, kami’y walang pangamba
Takot at sakit ay hindi alintana
Pagkat aming batid ikaw ay kasangga…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Salamat Guro! Salamat
Sinasabi niya sa tula tungkol sa guro kung bakit kailangang pasalamatan ang mga guro. Ang mga guro ay espesyal dahil sila ang tumatayo na ikalawang magulang natin. Nawawala ang mga pangamba kapag kapiling ang ating mga guro.
Isa pa, napapalawak nila ang kaisipan ng mga mag-aaral. Sa huli, sinasabi ng may katha na pinapahalagahan niya ang lahat na ginagawang sakripisyo ng kanyang guro at kulang pa ang pasasalamat niya sa ginawa nila.
Aral ng Tula
Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay ipagpatuloy lamang ang pagiging ikalawang magulang sa inyong mga studyante dahil sa pagdating ng panahon ay babalik din ang kabutihan na naidulot ninyo sa inyo.
Para sa mata ng mga estudyante, ang maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na ito ay nagbibigay ng leksyon na dapat pinapahalagahan ninyo ang ginagawa ng mga guro ninyo dahil para ito sa inyong kinabukasan. Maging mabait at masunurin sa mga guro.
Summary
Ang tulang ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!