PANULAT, PANUKAT, PANGMULAT – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Panulat, Panukat, Pangmulat.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Francisco A. Montesena.
Ang “Panulat, Panukat, Pangmulat” ay tula tungkol sa dakilang teachers na nakikinig sa kahirapan ng kanyang estudyante. Sinasaad dito ang mga hirap at sakripisyo ng isang mag-aaral ngayong pandemya.

Panulat, Panukat, Pangmulat
Sorry po Titser.
Wala po akong laptop.
Walang cellphone.
Walang load na pambayad.Kahit po pambili ng bolpen
ay pahirapan pa
na ihingi kay Nanay
Cellphone pa po ba?Yung pambaon ko po
Tula tungkol sa guro na isinulat ni Francisco A. Montesena
ay tirang tutong,
Ang ulam ay asin
kung di man kangkong…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod sa Tulang Panulat, Panukat, Pangmulat
Ikinikwento ng may akda sa kanyang guro ang hirap ng online class. Sinasabi niya sa kanyang guro na wala silang pambili ng mga gadgets para makapasok sa birtwal na klase.
Sa kabilang banda, pagpinili naman nila ang alternatibong pag-aaral, wala namang tatayong guro sa kanilang bahay. Sa huli, gusto lang ng mag-aaral na huwag magsawa si maam at sir na ihatid ang module sa kanilang giri-giring bahay.
Aral sa Tula
Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay ipagpatuloy lamang ang serbisyo na hinahatid sa kanilang estudyante dahil sa pagdating ng panahon ay babalik din ang kabutihan na naidulot nila sa kanila.
Para naman sa mga estudyante, ito ay nagbibigay ng leksyon na dapat huwag sumuko sa pag-aaral lalo na sa panahong ito. Huwag mawalan ng pag-asa dahil nariyan ang inyong mga guro para maghatid ng tulong sa inyo.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Panulat, Panukat, Pangmulat” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa mga teachers na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga teacher.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!