Guro : Isang Tula Tungkol Sa Guro

GURO – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Guro.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Rose Ann D. Gaspar.

Ang “Guro” ay tula tungkol sa dakilang titser na ginagawa ang lahat para sa kaniyang mga estudyante. Sinasaad dito na pinapahalagahan ng isang studyante ang mga ginagawa nila ni Ma’am at Sir.

Ang tula tungkol sa dakilang titser na ito ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga titser na gawin ang kanilang makakaya dahil na-appreciate ito ng mga estudyante.

Tula Tungkol sa Guro-Guro
Isang Tula Tungkol Sa Guro

Guro

Ang nagpabatid ng mga kaalaman
Sa atin at sa buong sambayan
Nagtuturo ng magandang asal
At itinuturing na pangalawang magulang

Sila ay lubos na iginagalang
Ng lahat ng nilalang
Ng lahat na noo’y
Mga batang walang muwang lamang…

Tula tungkol sa guro na isinulat ni Rose Ann D. Gaspar

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Guro

Sinasabi niya sa tula tungkol sa kanyang titser na hangang hanga siya sa kakayahan nito. Ang titser ay maaasahan at sandigan ng mga estudyante sa anumang bagay.

Sila rin ang nagbibigay ng gabay sa mga estudyante para makamit ang kanilang pangarap. Dahil sa kanilang mga taglay na katangian bilang titser, karapatdapat lang na sila ay igalang.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa titser na ito ay ipagpatuloy lamang ang pagiging ikalawang magulang sa inyong mga studyante dahil sa pagdating ng panahon ay babalik din ang kabutihan na naidulot ninyo sa inyo.

Para sa mata ng mga estudyante, ang maikling tula tungkol sa pasasalamat sa titser na ito ay nagbibigay ng leksyon na dapat pinapahalagahan ninyo ang ginagawa ng mga titser ninyo dahil para ito sa inyong kinabukasan. Maging mabait at masunurin sa mga titser.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Guro” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa titser na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga titser.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan at nakuhang aral sa tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming mga halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment