Guro, Tulay sa Magandang Bukas : Isang Tula Tungkol Sa Guro

Guro, Tulay sa Magandang Bukas – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatan na “Guro, Tulay sa Magandang Bukas.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Rey O. Dasalla.

Ang tula na ito ay tungkol sa dakilang guro na ginagawa ang lahat para sa kaniyang mga estudyante. Isinasaysay sa tula na ito kung bakit kailangan ng mga estudyante na intindihin ang kanilang mga guro.

Tula Tungkol sa Guro- Guro tulay saa magandang bukas
Isang Tula Tungkol Sa Guro

Guro, Tulay sa Magandang Bukas

Propesyon nila ang humubog sa isipan,
Ng mga mag-aaral na pag-asa ng bayan;
Hirap at pagod kanilang natatamasa,
Matuto lamang mga mag-aaral sa asignatura.

Kahit minsan lang mabati ng mga mag-aaral
Sa loob ng klase ay may ngiting katapat
Nakikita nya ang mga mata ng kalungkutan
Kasiyahan, galit o taglay na kabutihan…

Tula tungkol sa guro na isinulat ni Rey O. Dasalla

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula at ito ay ating maging inspirasyon.

Buod ng Tula na Guro, Tulay sa Magandang Bukas

Sinasabi sa tula tungkol sa dakilang guro ang pinaranas niya na kabutihan sa kanyang mga estudyante. Ipinapaliwanag dito sa tula na dapat intindihin ng mga studyante ang kanilang mga guro dahil sa hirap ng kanilang mga gawain para lang maturuan at matulungan sila.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay dapat intindihin at unawain ang mga guro. Sapagkat, sila ang naghuhubog sa mga kabataan para makamit ang masaganang buhay.

Summary

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan at nakuhang aral sa tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan, kaklase, kapatid, o mga kamag-anak. Basahin rin ang iba pa naming mga halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment