Tula Tungkol Sa Guro: Guro Ko, Hero Ko

Tula Tungkol Sa Guro: Guro Ko, Hero Ko

Tula Tungkol Sa Guro – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Guro Ko, Hero Ko”. Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa mga teachers. Sa tulang ito, sinasaad ni James P. Nacionales ang pasasalamat at paghanga ng isang estudyante sa kanyang dakilang teacher.

Ang “Guro Ko, Hero Ko ” ay tula tungkol sa dakilang teachers na ginagawa ang lahat para sa kaniyang mga estudyante. Sinasaad dito ang mga hirap at sakripisyo nila Ma’am at Sir. Ang tula tungkol sa dakilang teacher na ito ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga titser na gawin ang kanilang makakaya dahil na-appreciate ito ng mga estudyante.

Tula Tungkol sa Guro - Guro Ko Hero Ko
Tula Tungkol sa Guro – Guro Ko Hero Ko

Tula Tungkol Sa Teacher: Guro Ko, Hero Ko

At ito ang tula na pinapamagatang “Guro Ko, Hero Ko “.

Guro Ko, Hero Ko

Kadalasa’y bumibilib tayo sa kanila
Sa pagmamahal at sa kanilang tyaga
Kaya tayong mga mag-aaral ay mahal din sila
Dahil tayo ang nangungunang tagahanga nila.

Ngunit alam nating hirap na rin sila,
Kaya naman pahalagahan natin sa twina
Salamat sa pag-aaruga at sa kaalaman ninyo,
Dahil sa inyo ako’y dagling natuto.

Salamat po talaga ng marami
Dahil sa kaalama’y kami ay di nahuhuli,
Mahal po namin kayo, walang magbabago
Kahit pa magbago ang ikot nitong mundo.

Kayo po ang pangalawang magulang ko
Dahil sa inyo, naeengganyong magbago
Sana ay patnubayan kayo ng ating Panginoon,
Guro ko, Hero ko sa habampanahon.

Buod sa Tula

Sinasabi niya sa tula tungkol sa guro kung bakit huwaran ang mga guro. Ang mga guro ay espesyal dahil sila ang tumatayo na ikalawang magulang natin. Tinuturuan nila ang kanilang mga estudyante sa abot ng kanilang makakaya. Sa huli, sinasabi ng may katha na dapat silang mahalin at sana ay gabayan sila ng Panginoon.

Aral sa Tula

Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay ipagpatuloy lamang ang pagiging ikalawang magulang sa inyong mga studyante dahil sa pagdating ng panahon ay babalik din ang kabutihan na naidulot ninyo sa inyo.

Para sa mata ng mga estudyante, ang maikling tula tungkol sa pasasalamat sa mga teacher na ito ay nagbibigay ng leksyon na dapat pinapahalagahan ninyo ang ginagawa ng mga guro ninyo dahil para ito sa inyong kinabukasan. Maging mabait at masunurin sa ating mga Maam at Sir.

Summary

Ang tulang pinamagatang Guro Ko, Hero Ko ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa mga teachers na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga teacher.

Maraming salamat sa pagbasa ng Tula Tungkol Sa Guro. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment