Guro Ko, Bayani Ka : Isang Tula Tungkol Sa Guro

GURO KO, BAYANI KA – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Guro Ko, Bayani Ka.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Maricar R. Doria.

Sa maikling salita, ang “Guro Ko, Bayani Ka” ay tula tungkol sa pasasalamat sa dakilang guro na maituturing niyang bayani.

Tula Tungkol sa Guro -Guro Ko, Bayani Ka
Isang Tula Tungkol Sa Guro

Guro Ko, Bayani Ka

Aming mga guro ay sadyang masipag,
Sa kanilang pagtuturong kanilang hinaharap,
Sa mga estudyanteng kanilang tagapakinig;
Silang mga guro’y sadyang nakakabilib.

Pangalawang magulang ng mga mag-aaral,
Nagtuturo ng mabuti at pagiging marangal,
Sadyang napakahusay ng kanilang katangian,

Sa ating mga asal, itinuturo ang kagandahan…

Tula tungkol sa guro na isinulat ni Maricar R. Doria

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Guro Ko, Bayani Ka

Sa tula na ito, inilalarawan ng may akda ang mga guro bilang masipag at tagapagpakinig ng mga mag-aaral. Dahil dito, bilib siya sa mga guro.

Ang guro rin ang nagtuturo ng kabutihan at pagiging marangal. Sinasabi niya rin na ang mga guro ay pasensyoso sa kanilang makukulit na mag-aaral. Dahil dito, bayani ang pagtingin ng may akda sa mga guro.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay ang pahalagahan ang mga gurong ng ating mag-aaral. Sila ang humuhubog ng mga mabubuting asal at nagbibigay karunungan sa ating mag-aaral. Isinasantabi nila ang kanilang sarili para sa ating mag-aara kaya sila ay maituturing na bayani.

Summary

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa mga teacher na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga teacher.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan at nakuhang aral sa tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming mga halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment